Entry #2

14.1K 283 17
                                    


Dear Crush,


Kakauwi ko lang mula sa isang shop ng mga artist. Bumili kasi ako ng isang set of poster colors atsaka set of paint brush. Naeexcite tuloy akong mag-paint. Inlove kasi ako kay Art. Kaya nga nasali ito sa pangarap ko, balak ko sanang magtayo ng malaking exhibit ng aking mga napaint. Tapos dadalawin ng mga art lovers at pag may magustuhan sila ay bibilhin nila. Siyempre tataasan ko ang presyo! Ay joke lang :)


Bukod sa maging artist, marami pa akong gustong maabot. Gusto ko ring maging architect, engineer, photo journalist o di naman kaya ay chef. Pati maging business woman pala ay gusto ko rin! Pero ang dami nila noh? Nakakalito tuloy kung saan talaga ako mas babagay :\ Sa tingin mo crush? Ano kaya ang mas bagay saakin? Ikaw crush? Anong pangarap mo? Ay bago ko makalimutan, may isa pa pala akong pangarap.


Ikaw :)


- Crash

Dear CrushWhere stories live. Discover now