Entry #17

3.7K 112 3
                                    


Dear Crush,


Nagpray talaga ako kay God na sana hindi nag-appear sa notifs mo 'yung mga nilike ko. Kasi baka maweirduhan ka sa'kin! Kaka-accept mo lang nung friend request ko---okay mga 7 days pa ang lumipas bago ako nag-open---pero kasi! Floodlikes nang maitatawag 'yun! At magmumuka pa akong stalker kesa admirer, mga old pics kasi ang pinakealaman ko :3


Pero kasalanan ko ba? Kung sobra kong nagustuhan yung mga pics mo? Hindi kasi ako naglalike pag di naman deserve ma like, 'yung sayo napakadeserving! Pasensya na ha?


Oo nga pala, pinapunta ako ni Karlo sa Mall kanina, nagmamadali pa nga akong pumunta baka kasi hindi na siya magbibigay ng updates tungkol sa'yo. Pagdating ko 'dun, may kasama pala siya at laking gulat ko na si Khin raw iyon. Waaah! Nakilala ko na ng personal 'yung kapatid mo! After almost two years, ngayon ko pa siya nameet.


Ang cute niya rin crush! Magkamukha kayo! Tapos ang tangkad rin niya. Matangkad siya or sadyang cute lang ang height ko? Grade 10 student na ako next school year tapos muka pa akong Grade 7. FC kasi ako crush, Forever Cute. Pero ayoko na ng ganito! Kahit 1 inch lang ulit ang madadag sa height ko okay na, one inch ulit please? Okay madamot ang kapalaran.


Alam mo ba crush na napapansin ko sa kapatid mo kanina na parang hindi siya mapakali? Parang hindi siya komportable sa presence ko. Nakakatakot nga ba ang itsura ko crush? Parang takot rin siya eh gaya nung nangyari sa'yo! Para naman hindi siya masyadong matakot ay tumayo na lang ako sa table at sinabihan si Karlo na iiwan ko na lang sila. Agad namang kumontra 'yung kapatid mo, kaya naguluhan ako. Kukunot sana ang noo ko pero ngumiti na lang ako sakanya, tapos iniwas niya agad ang tingin saakin.


Okay crush, anong meron sa little brother mo?


- Crash

Dear CrushNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ