Entry #55

2.5K 66 1
                                    


Dear Crush,

Hindi ka ba naasar sa kapatid ko? Kasi ako asar na asar na kay Karlo! Paano mo kaya nakayanang makipag-kaibigan sakanya? Nakakalito kasi siya.

Kanina, inutusan ko siya na siya na lang ang magsauli ng hoodie pero ayaw niya, tinatamad raw siya. Aish! Anong nakakatamad don diba? Eh magkikita lang naman kayo pagdating sa room niyo tapos konting ngiti---usap sa assignments or projects then ibigay na sayo ang hoodie. Pabunos na lang yong 'thank you'. Kaso ano ang ginawa niya? Ayaw niya raw. Gusto niyang ako talaga ang magbigay sayo. Yon ang gusto niya at wala ng iba, hindi raw siya utusan.

Aba! Yong kapatid ko talaga, parang hindi nakahingi ng pabor saakin. Akala niya sigurong nakalimutan ko na yong time na inutusan niya akong pumunta sa bahay niyo(nung si Renz pa ang crush ko). Hindi lang niya alam na... na haay. Kung noon hindi ko alam ang dahilan kung bakit ako nahihiya sayo, ngayon alam ko na, Khin Ralf Whyte. Crush kasi kita! Aish! Oo na!

So pwede bang akin na lang tong hoodie mo? :)

- Crash

Dear CrushWhere stories live. Discover now