Kriselly

2.8K 76 12
                                    


Kriselly


Sa afternoon daw magsisimula ang program ngayon. Lahat ng mga classmates ko ay busy, pati sa kabilang section ay busy din. Siyempre, hindi ako magpapahuli kaya busy na rin ako.


Actually, mas busy naman talaga ako kesa sakanila e. Si mam kasi panay ang utos saakin kesyo ‘Kriselly don mo ilagay yan!’, ‘Ay Kriselly wag na lang pala’, ‘Mygash Kriselly! Mali yan e!’.


I was like... "Oo na nga mam diba? Ayusin mo nga mam ng hindi ako paulit-ulit dito. Akala niyo sigurong madali lang tong pinapautos niyo."


Pero siyempre di ko sinabi yon at baka katayin pa ako ng magandang teacher ko.


"Kriselly, ready ka na ba para bukas?" tanong sa'kin ni Joy, partner ko pala siya para sa contest bukas.


"Yan ba talaga ang itatanong mo?" e kasi may program pa mamaya. Dapat yon muna ang iniisip niya.


"Oo, ano na? Ready ka na ba?" sinabit niya yong decoration sa may entrance ng mini stand namin.


"Hindi." honest na sabi ko.


Kinakabahan kasi ako para mamaya. Natatakot ako na baka makita ako ni Khin. Kahiya yon!


Kaya lang naman ako sumali sa presentation para makita niya ako ngunit narealize kong nakakahiya nga pala. Sobra.


"What? Pano yan?"


"Hindi pa nga ako ready para sa presentation mamaya, yon pa kaya? Occupied pa ang utak ko kay cru---"


"Klui Renz! Hahahaha!" tinawanan niya ako as if tama yong sinabi niya.


Isa pala siya sa mga classmates ko na hindi fan ng Danlly tandem, alam niya kasing si Renz ang akin---noon.


Feeling kong uminit yong mukha ko, naknichucky! Oo na't crush ko ang iniisip ko, pero alam niyong di na si Renz yon!


"Mali ka."


"E sino ba? Ay pakidikit nga nito, dyan oh sa may kanan." inabot niya sa'kin yong isang decoration at sinunod ko rin naman ang sinabi niya.


"So sino nga Kriselly? Ikaw ha, palagi na lang crush ang bukambibig mo. Masyado ka na atang inlove diyan sa mga crushes mo. Sa dinami-dami ng crush mo, sino ba yong timbang?" curious niyang tanong pero iba ang pagkakaintindi ko sa katanungan niya.


"Mas mabuti na yong crush lang kesa nagka boyfriend ako. Pag crush harmless, pag boyfriend, harmful. Iisipin kasi nila na malandi kang babae at walang tumatagal na lalaki sayo." seryoso kong sabi at tinitigan talaga siya. Muka pa siyang napalunok.


"Tumpak ka na naman Kriselly. Pero di naman yon ang ibig kong sabihin e---"


"E ano?"


"Kung sino talaga yong pinakagusto mo."


At ako naman yong napalunok sa sinabi niya. Hindi naman ako ganon e, di ko kayang magkacrush ng sabay-sabay. Kaya nga uso ang 'ex-crush' sa vocabulary ko. Pag ikaw ex crush ko na, ex na talaga!


Naging crush ko si Dan pagkatapos ni Asher. Naging crush ko si Renz pagkatapos ni Dan. At ngayon, pagkatapos ni Renz, si Khin na yong crush ko. Excluded na yong mga past!


Tumingin ulit ako kay Joy at sinagot siya ng...


"Siyempre yong crush ko ngayon."


Bumilis ang tibok ng harthart ko. Kairita ka puso, sa tuwing bumibilis ka ay automatic na napapangiti ako lalo na't si crush ang usapan dito!


"So si Klui Renz nga, diba siya ang crush mo ngayon?" napangiti rin si Joy.


Napaka-outdated niya. Iba na nga ang crush ko ngayon diba? Ay utak din Kriselly, hindi mo ba naalalang wala ka pang sinabihan na si Khin na yong crush mo?


"Hinde. Hindi na si---"


Halos di ako makahinga ng may dalawang pares ng braso ang pumulupot sa maliit kong sarili. Ang bilis-bilis ng tibok ng puso ko sa gulat, saya... gulat. Feeling ko tumigil yong oras lalo na... na...


"Kriselly Rhare, I'm so sorry."


Halos nanindig lahat ng balahibong meron ako ng marinig ang boses niya. Ang ganda ng boses niya. Kaiyak. Hindi ako makaimik.


At... familiar yong sinabi niya. Para bang may nagsabi or nabasa ko ata yon?


"Nagpromise akong papansinin na kita, tinutupad ko lang ang pangakong 'yon." waaah! Wag ka ng magsalita! Lalo akong nahuhulog sayo!


Wala pa din akong imik. May mga estudyante na palang nakakakita sa amin ngayon, si Joy naman halatang nagugulat. Iba ang konsepto niya sa salitang 'pansin'.


"Please forgive me."


Namilog ang mata ko sa sinabi niya at napa-ngiti rin. Nagsosorry siya in person kahit wala na mang something-something samin! Nyaaa!


Pero, kaya pala familiar, sinabi rin yon ni Unknown number saakin! Shucks! Minumulto ako ni unknown number porket hindi ko siya nareplyan kagabi!


Nanghihina yong katawan ko bunga siguro ng atake ko sa puso sa galak at kilig, huhu. Sinikap kong makapagsalita. Kailangan kong magsalita. Humugot ako ng lakas para lang mabanggit ang pangalang...


"Khin?"

Dear CrushWhere stories live. Discover now