Kriselly

2.5K 79 7
                                    

Kriselly


"Joy?"


Gulat ako ng makita siya.


"Kriselly? Nandito rin kayo?" lumapit siya saakin at halatang nagugulat din.


"Waaaa! Hi Joy! Buti na lang at nandito ka rin! Yes! May kakilala na ako aside sa kasama ko!" maligaya kong sabi. Tinawanan niya ako.


"Hahaha! Pareho pala tayo, sina Mama at Papa lang ang kakilala ko dito e."


Napatingin ako sa suot niya. Nakashorts din siya atsaka sleeveless shirt, parehas kami. Buti pa siya may confidence, wala kasi ako.


"Naka-jacket ka? Atsaka asan ang mga kasama mo?" yep, hindi ko pa hinuhubad 'yong jacket ko.


"Namamasyal sila, mamaya pa kasi kami maliligo."


"Ba't hindi ka sumabay?"


Nasa pool kami ngayon. May nakita kaming cemented mushroom, naglakad kami patungo 'don at umupo.


"Hindi ko kasi nagustuhan 'yong nakita ko." malungkot 'kong sagot.


Napabuga ako ng hangin. Ang bigat sa pakiramdam. Ang sikip-sikip din na feeling kong masu-suffocate na ako. Alam mo 'yong pakiramdam na parang naiwan ka sa ere? 'Yon na e, nandon na kami.


Pagkatapos ko kasing kumain kanina ay bumalik silang dalawa habang nakakapit pa rin si Steff kay Khin, tumatawa silang dalawa. Baka naman hindi lang si Steff ang may HD, baka pati rin si Khin kay Steff.


Ouch. Masakit!


Parang sinampal ako ng mga expectations ko. Tama sila. Sobrang tama! Hinay-hinay lang kasi sa pag-expect, ayan, to the highest level ang disappointment na napala ko.


"Si Crush na naman ba?"


Nilingon ko siya.


"Oo" amin ko at napayuko.


"Details?" mas lalo siyang lumapit saakin.


Huminga muna ako ng malalim. Gusto ko tuloy na itapon ang sarili ko sa pool, don talaga sa 8ft para malunod ako at maglaho na sa mundo. Hindi kasi ako marunong lumangoy.


"Long story but I can make it short." kinagat ko aking labi, "nagselos ako."


Napa-‘oh’ 'yong labi niya.


"Normal lang naman 'yan, alam mo na 'yon."


Sinuklay niya ang buhok ko gamit ang kamay niya. Ang gaan ng kamay niya. Inayos niya aking buhok tapos itinali niya ito into a ponytail.

Dear CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon