Entry #67

2.4K 62 0
                                    


Dear Crush,


Cruuush! Help me! Nanggugulo si Unknown Number huhu!


11:23 pm na ngayon at dapat na sana akong magpahinga kasi may contest ako bukas. Sabi pa ni mam na kailangan kaming makarating sa school before six dahil kung hindi, iiwan niya raw kami kaya dapat, nagpahinga at natulog na ako ngayon kaso anong ginagawa ko crush? Nagpupuyat na naman! Huhu.


Nagtake time talaga ako na sumulat sayo ngayon dahil gusto kong humingi na tulong crush, fine, nagsusumbong ako sa'yo. Kaya tulungan mo na ako! Ano ba ang kasalanan ni Unknown Number? Sabi niya na ako raw ang future girlfriend niya! Uwaaah! Lumalala ang pagiging weirdo ni Unknown Number crush, nakakakilabot at nakakatakot! Sobra! Pero...


Nakakaramdam din ako ng saya at gaan sa loob.


NOOOO! SABI NA NGA BA!


Tama ang predictions ko! Manggugulo siya sa feelings ko for you! Kung noon kay Renz, ngayon naman sa'yo! Uwaaah! Hindi na ako makikipagtext sakanya! Hindi na talaga! Mali kasi yon! Ayaw kong mainlab sa iba! Sayo lang ako!


Ikaw lang crush, ikaw lang.


- Crash

Dear CrushNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ