Kriselly

4K 118 40
                                    

Kriselly


Nanuyo ang aking lalamunan kasabay ng pagmarathon ng puso ko. Shucks. Totoo nga. Hindi joke yong sinabi ni Karlo. Pupunta nga si Khin dito. Ohmygad!


Natauhan ako at agad pumasok sa banyo. Sa sobrang taranta ay mabilis akong nakatapos at agad nagbihis ng plain white shirt atsaka black pajamas.


Dugdugdug. Ayaw tumigil sa pagbilis ng tibok ng puso ko. Hoo. Napabuga ako ng hangin, kaya ko to! Aja!


"Pasok ka pare."


Narinig ko ang boses ng kapatid ko sa kabilang pintuan. Shems! Nandiyan na ang crush ko! Waaa!


Napalunok muna ako dahan-dahang naglakad patungong pintuan. Nanginginig ako. Inilapit ko aking tenga sa pintuan para marinig ang usapan nila.


"Nice place." ayan na naman ang boses niyang sing-gwapo sa itsura niya.


"Thanks. Don ka muna sa sala, ipaghahanda kita ng makakain. Teka, ano yang dala mo?" boses ni Karlo yon.


"Para sa Ate mo 'to." what? Ano kaya yon? Gusto kong lumabas! "Akala ko ba na nandito siya? Asan siya? Okay na ba siya?"


Napangiti ako ta napa-iling. Huhuhu. Kinikilig ako sa mga pinagsasabi niya. Huhuhu.


"Nandiyan siya sa kwarto niya. Ang swerte naman ng ate ko at may regalo siya, ang laking box pa oh! Cake yan no?" mangha na sabi ni Karlo.


"Oo e."


"Ako? Asan yong akin? Kinalimutan mo? Ah grabe na yan dude, sinasaktan mo naman ang feelings ko. Hahaha!" narinig kong nagtawanan silang dalawa.


"Hahahaha! Loko ka!" tawa ni crush, "wag kang mag-alala, para sayo itong maliit na box."


"Yun naman pala! Hahaha!"


Nagtawanan ulit sila tapos nagbro fist ata, close nga.


I sighed. Binabawi ko na yong sinabi ko sa last entry, hindi ko hate si crush! Hindi ko kayang i-hate siya! Masyado lang siyang gwapo para kamuhian ko!


Haay. Kung pwede lang, kung may guts lang akong lumabas doon ay ginawa ko na.


Nahihiya na naman kasi ako. Panirang hiya-hiya talaga ito, kailan ba ako matututong maging walang-hiya?


Miss na miss ko na kasi siya! Gusto ko siyang makita! Chance ko na to! Palalagpasin ko lang? Hindi pwede yon!


"Lalabas o tutunganga? Harapin siya o magsisisi? Aish! Sakit sa bangs!" napabusangot ako at umupo na lang sa sahig habang nakasandal sa pintuan. Ajuju.


Nilibot ko aking tingin sa kwarto at nasagip ng mata ko ang hoodie ni Khin. Ngayon ko na lang kaya isauli iyan? Kumabog ang puso ko. Hoo.


Napabalikwas ako ng biglang magring ang cellphone.


_____________

From: Unknown Number

Where r u?

Lumabas ka please, gusto kitang makita :(

_____________


Napakunot ang noo ko sa text ni Unknown Number. What? Gusto niya akong makita? Kung noon schoolmate ko siya, ngayon ba kapitbahay na? Huwhaaat?!


_____________

Wat do u mean?

Message sent

Dear CrushDär berättelser lever. Upptäck nu