Kriselly

3K 90 18
                                    

Kriselly


One week na ang lumipas na walang klase. Bakasyon na nga. Sobrang boring. Kung nakakamatay man ang pagiging boring, for sure na cremate na ako ngayon.


"Saan niyo gustong magbakasyon? Sabi kasi ng mga kamag-anak natin na baka gusto niyong magbakasyon sa Davao. Nandon pa naman ang ibang pinsan niyo." tanong ni Mama.


Bakasyon... bakasyon. I hate that word. Nabo-brokenhearted ako sa word na 'yan dahil inilayo niya ako kay Khin Ralf.


"Ayokong magbakasyon." walang paligoy-ligoy na sabi ko.


"Ba't naman? Saan ba ang gusto niyo?"


"Hindi ko pa alam. Mag-iisip muna ako, kakausapin ko muna si Karlo."


Tumingin si Mama sa'kin at nagkibit-balikat.


"Kayo ang bahala."


Ayaw 'kong magbakasyon kasi mas lalo akong mawawalan ng pag-asa na makita si Khin. Pakiramdam ko ngang pag lumipas pa ang isang araw na hindi ko nakikita si Khin Ralf ay sa ospital na ako pupulutin.


Umupo ako sa dining chair, "pahingi ng cake atsaka chocolates, damihan niyo po. Ay! Pati rin ng chocolate drink, pakiserve na lang sa kwarto, thanks ma!"


"Makapag-utos ka wagas. May ginagawa ako, ikaw na ang kumuha." nagluluto kasi siya. Ayesh, ba't ba ang tamad ko ngayon?


"Ay wag na lang pala ma. Thanks."


Tumayo na lang ako at pumuntang kwarto. Honestly? Wala akong ganang kumain. Ewan ko lang sa sarili ko kung bakit ako humingi ng pagkain kanina. Siguro gusto 'kong ma-energize? Pero alam naman nating si Khin lang ang makakagawa non.


Haay.


Tumalon ako sa kama tapos humiga. Napa-exhale ako tapos pumikit saglit at dumilat. Napatingin ako sa aking notebook, aking diary. Aking diary na para kay crush. Aking diary na para kay Renz sana. Aking diary na para kay Khin na at wala ng iba.


Mahimbing itong nakapatong sa ibabaw ng lamesa.


"Kailan kaya kita ibibigay kay Khin?" napanguso ako at inabot ang diary, inakap ko ito.


Tumingala ako sa ceiling.


"Sorry diary kasi wala akong maisulat na entry ngayon. Wala kasing masyadong nangyari. Seven days straight ko ng hindi nakikita si Khin, hindi sa binilang ko 'yong days pero mukang ganun na nga." seryosong sabi ko.


Nakakalungkot talagang lumipas ang isang araw na hindi ko nasusulyapan ang pagmumukha ni Khin. Ang hirap talaga magkaroon ng crush.


Para sa iba siguro ay madali lang magkaroon ng crush pero kung ako ang tatanungin? Mahirap! Sobra!


Gusto ko kasing araw-araw 'kong titigan 'yong maamong mukha niya. Gusto 'kong palagi na lang siya sa tabi ko. Kung pwede ko lang siyang patirahin sa bahay na ito ay gagawin ko talaga. I mean, sinong aayaw sa ideyang 'yon na halos every minute and second mo nang makikita ang crush mo? Diba?


Pero siyempre hindi pa rin mangyayari 'yon. Napaka-mahiyain ko kaya. Dakilang mahiyain. Reyna ng mga taong walang confidence. Tsk. Magreresearch na kaya ako sa Youtube kung paano maging isang taong walang-hiya?


Naputol ang mga iniisip ko nung biglang nag-ring aking cellphone.  Hindi ko pinansin 'yon dahil... nagi-guilty ako.


Tinampal ako aking noo gamit ang hawak 'kong diary.


Dear CrushWhere stories live. Discover now