Entry #14

3.8K 124 4
                                    


Dear Crush,


What daaaa! Aaaaah! Cruuush! Ito nga ba talaga ang disadvantage ng pagkakaroon ng mga kaibigan? I mean... sila kasi eh! Nung nalaman nilang may crush ako---at siyempre ikaw ang tinutukoy ko---sinabi nilang ikamusta ako sa'yo! Tinutukso pa nila ako ng bonggang-bongga! Gusto ko na ngang magpalamon kay lupa sa mga oras na 'yun kara-karaka!


Ok sana eh... gusto ko naman talaga kaso...


Patungo kami ng school gym nun ng bigla ka na lang sumulpot! Shock ako! Ongoing pa kasi yung panunukso nila at baka marinig mo. Gusto kong sumabog at mawala ng parang bula lalo na nung nilapitan ka ng isa sa baliw kong kaibigan at sinabing...

"Klui Renz! Kriselly raw oh!"


YUH! RINIG NA RINIG KO! Ang lakas kasi ng boses niya! NAKAKAHIYAAA YUN SHEMS! Huhu. Hindi ko nakita ang reaksyon mo nun kasi iniwas ko agad aking tingin. Sobrang kahihiyan kaya 'yun! Kasi naman err! Kung pwede lang imurder yung kaibigan ko, kaso baka makulong ako at bigla ka na lang maturn-off sakin ni hindi ka pa nga naturn-on. Hindi pwede yun! Lulungkot buhay ko nun forever!


Pero crush kahit katiting, kahit sobrang katiting lang talaga, is there any chance na familiar na ako sa'yo?


- Crash

Dear CrushWo Geschichten leben. Entdecke jetzt