Entry #50

2.7K 84 1
                                    


Dear Crush,


Binabawi ko na ang invitation. Wag ka na lang sumama sa weekend. Hindi na kasi ako mahihimatay kundi mamamatay na.


Kung hindi ako makaget-over noon nung tinanggap mo aking Friend Request sa Facebook ngayon naman ay mas malala, napaka-lala. Nagtampo ako sa aking kaibigan dahil siya ang nag-amin sa'yo. Siya at hindi ako. She and not me. You think na good news yon? Hindi! Hindi yon good news! Badtrip siya! Huhuhu! Ang ganda pa naman ng plano ko kung paano ko aaminin sayo yung feelings ko, ipapabasa ko sayo ang diary ko. Ikaw lang pababasahin ko non at wala ng iba.


Ibibigay ko sayo ang notebook ko. Notebook na ordinary pero extraordinary ang nakasulat na puro tungkol sayo lamang---I mean pati pala si Khin atbp. Kaso sa isang iglap, sa simpleng pag-click niya sa online mong pangalan sa FB, naglaho ang lahat! Feeling ko binuhusan ako ng mainit na tubig galing sa Thermos na may halong acid rain! Masakit!


Smile na smile pa siya crush nung kinuwento niya ang nangyari sa chat niyong dalawa. Bawat smile niya ay nababasag ang puso ko. She ruined everything. Na-crashed ang plano ko. Wala na! Para saan pa si 'Dear Crush' na diary ko? Wala ng silbi! Huhuhu.


Kung ibang tao siguro iyon, mag-iiwan na ng masasakit na salita sakanya kaso ako ito, hindi ko kayang gawin yon sakanya. Kinikimkim ko lang ang galit ko. Ayokong ipakita. Pero pag di ko na kaya, iiyak na lang ako. Sabi ng tita ko na masama raw kimkimin ang galit, mas malaking kasalanan. Pero hindi ko kayang ipakita, kaya umiyak na lang ako pagdating sa kwarto. Pinapatawad ko naman ang kaibigan ko eh. Gaad! Muka na akong zombie. Wag ka ng tumulo luha. Tigil ka na.


Ngayong alam mo na na crush kita, wag mo namang iparamdam sa'kin na alam mo na talaga. Masasaktan ako.


- Crash

Dear CrushWhere stories live. Discover now