Entry #63

2.4K 64 3
                                    


Dear Crush,


Si Karlo! Si Karlo Ryan may crush na! Waaaah!


Paano ko nalaman? Sinabi niya kasi sa'kin, grabe ang kapatid ko. Kung makapag-open ng ganyang topic eh walang hiya-hiya at nagsasabi agad direct to the point(parang ako lang sakanya). Ang pangalan raw ng crush niya ay Caitlyn Black at ang nickname niya ay Lyn. Grabe! Bakit ganito? Surname ng crush ko ay Whyte samantalang sakanya Black? Minumulto na ba ako ng Black 'n White dahil paborito ko silang mga kulay? Pero kahit na ganon pa man. Ang cute lang!


Ay oo nga pala, hindi lang niya sinabi saakin, pinakilala talaga. Sinama niya si Lyn sa bahay kanina, dumadamoves ang epal kong kapatid. Ang gandang bata! Nahihiya pa ito nung makita ako kanina, eh ang shunga ko nga sa itsura ko eh. Naka-pajama lang ako—suot pantulog na kahit 5pm pa sa hapon. Nakasuot pa ako ng fake glasses para pamprotekta sa mata ko sa radiation na magmumula sa cp ko. In overall, muka akong nerd.


Gusto kong tignan silang dalawa kaso sabi nung epal na kapatid ko na lumayas na raw ako, nandun rin naman kasi si Mama. Siya ang nag-asikaso ng merienda nila. Si Lyn naman halatang nahihiya at tahimik lang siyang naka-upo don sa sofa. Ang cute nung bata. Hahaha! Sana ako na lang yong lalaki dito noh? Para naman maka-gawa ako ng action. Liligawan talaga kita crush!


Pero hindi eh, babae ako. Pag may crush ang lalake ay pwede silang manligaw samantalang pag may crush ang babae, nganga.


- Crash

Dear CrushWhere stories live. Discover now