Kriselly

3.1K 94 11
                                    


Kriselly


Nagmadali akong tumakbo patungong classroom. Takbo na yong ginawa ko kasi 7:15am na! Oo late na naman ako!

Sa kabutihang palad at feeling ko talagang ako na ang pinaka-maswerte sa araw na ito ay naabutan ko pa si Renz.


How cool is that? Kanina pa siya ah, pero naabutan ko pa rin? Bat ang bagal niyang maglakad?


"Excuse me, excuse me please." sabi ko don sa mga estudyante.


And that was the biggest mistake in my entire life. Napahinto ako sa paglalakad.


Si Renz... may kasama pala siya. Si karibal. Si bestfriend in Grade 8. Silang dalawa ay magkasama. Bakit sila magkasama? Bat ang bagal ng paglalakad nila? Bat ko ba nasaksihan ang mga ito?


"Ay oo nga pala! Naremember ko pa yon! Hindi ba sabi ni mam na gumawa tayo ng isang sanaysay pagkatapos babasahin sa harapan? Waaah! Nakakahiya yon lalo na..."


Ang ingay ni Karibal. Medyo malayo na sila pero naririnig ko pa rin ang boses niya. Teka, naglapel kaya siya?


Si Renz naman ay panay lang ang tango kumbaga agree na agree siya sa mga pinagsasabi ni karibal. Awts.


Eh di kayo na close. Kayo na magkasintahan. Kayo na lovers. Kayo na may forever. Kayo na si Xander at Agnes habang ako na si Kate. Psh.


"Hahaha! Nakakatawa ka talaga~" hinampas ng mahina ni karibal si Renz. No! Bawal kang humawak sakanya!


Sinimulan ko na naman ang paglalakad ng maalala ko ang Math. Gash! Anong silbi ng ginawa ni Khin kanina kung hindi ko man lang maabutan si---bat ba kasi ang bagal nila?! Feel na feel ang moment sa isa't isa?


Lagpasan ko kaya sila? Pero paano kung makita ako ni Renz lalo na't alam na niyang crush ko siya? Bat ba kasi ayaw gumana nung invisible trick ko? Sinunod ko naman ng maayos ang steps sa youtube ah?


Huminga ako ng napakalalim at tumakbo dahil ayaw kong bumagsak sa Math---at dahil nga swerte ako sa araw na ito, nabangga ko si Renz at natapon ang case niya.


"Nako! Sorry! Sorry! Hindi ko sinasadya! Sorry please! Sorry talaga!" taranta kong sabi.


"Oh my gosh." gulat na sabi ni K. Siya lang ang K(Karibal) na hindi ko gusto. "Rhare?"


"Kriselly Rhare Warren nga diba? Malamang ako si Rhare! Tinatanong pa ba yon?" pero as if na mang kaya kong sabihin yon.


Hindi ko siya pinansin at lunuhod na lang ako upang kunin ang case ni Renz ngunit lumuhod rin pala si Renz. Sabay naming inabot ang case niya kaya nagdampi yong kamay naming dalawa. Oh em!


"Khin---I mean Kriselly?" kumunot yong gwapong mukha ni Renz. Yong hoodie pala ni Khin! Suot ko pa!


Tumayo na kami matapos makuha ang case niya.


"Ah eh..." sasagutin ko ba siya? "P-pinahiram lang sa'kin ni Khin ito k-kasi..."


"Khin Ralf? Kapatid ni Renz?" tanong ni karibal.


"Ah oo k-kasi..."


"Bagay sayo Rhare!" naalala ko tuloy yong text ni Unknown number.


"Ah hehe. Hindi naman, pinahiram niya sa'kin ito kasi..."


"Waaah! Ang bait ng future brother-in-law ko!" kainis ka! Panira ka ng moment! Si Renz kausap ko! Hindi ikaw!


Nagsink-in saaking utak yong sinabi niya. Brother in what? Law? Ano ka? Asawa ni Renz?


Napatingin kaming dalawa ni Renz kay karibal. Medyo napahiya naman siya kaya ngumiti na lang ito.


"Ipagpatuloy mo ang sinasabi mo Kriselly, nakikinig ako."


Ngumiti saakin si Renz. Inaamin kong ang cute niya pero nakakagulat lang.


Hindi kasi bumilis ang tibok ng puso ko.

Dear CrushWhere stories live. Discover now