Entry #60

2.5K 69 0
                                    


Dear Crush,


Palagi na lang akong nagpupuyat tuwing gabi dahil nag-aaral ako. Kailangan raw kasing imemorize ang mga dapat mong sabihin pero kung yon ang gusto ni mam, mali ang paraan niya ng pag-aaral. Kung nag-aaral ka, hindi mo dapat minimemorize ito. Bakit? Dahil pag ganun ang ginawa mo, for sure na pagkatapos ng contest or mga ilang araw man ang lilipas ay makakalimutan mo na yong mga pinag-aralan mo. Masasayang lang ang ilang araw na pagpapagod mo kakababad sa pagbabasa at pagmememorya.


Ang sekreto kasi para matuto ka talaga ay ang pag-intindi. Understanding. In that way, hindi mo lang mamemorize ang pinag-aralan mo, matututo ka pa at maaring magamit mo ito hanggang sa paglaki mo. Tama naman diba? Kaya ikaw crush, wag kang umasa sa mga memorization ha? Dapat iniintindi mo rin ang mga minimemorize mo, pero hindi ko naman ata kailangang sabihin yon kasi alam kong matalino ka na.


Pero kainis lang ngayon, first time kong mag-aral ng walang pumapasok sa isipan ko. Ganito talaga ang resulta pag ayaw mo sa isang bagay, yon bang napipilitan lang? Sa gabi kasing ito, ayoko munang mag-aral. Gusto kong matulog. Pero pag hihiga na ako, mangungulit na naman ang utak ko kaiisip ng mga bagay na imposible.


Sample? Oh sige, gumawa talaga ako ng list.


1. Malalaman kong crush mo rin ako.

2. Papansinin mo na ako.

3. Hindi ka na galit sa'kin.

4. Yayakapin mo ko.

5. Ulitin mo yong four.

6. Hahalikan mo ko sa noo.

7. Bibigyan mo ko ng maraming chocolates.

8. Magtatravel tayo around the world.

9. Magiging tayo na.

10. Uulitin mo lahat ng nangyari from 1-8.

Hahaha! Imposible talaga! Oo na! Hayst! Ang nakakagulat ay hindi ko man lang naisip ang mga ito nung si Renz pa ang naging crush ko. Bat kaya sayo lang ako nagkaganito?


Ano ba talagang meron sayo at naging ganito na ako?


- Crash

Dear CrushWhere stories live. Discover now