Kriselly

2.8K 81 8
                                    


Kriselly


Pagulong-gulong ako sa kama dahil isa akong problemadang teenager ngayon. Gusto kong matulog pero ayaw maki-cooperate ng utak ko. Ang dami niyang iniisip!


"Ate! Ate! Pakibukas nga ng pintuan mo!" halos wasakin na ni Karlo ang pintuan ng kwarto ko.


Ugh. Mangungulit na naman yan. Pumikit ako pero...


"Ate Lly! Please lang! Utang na loob! Nagmamakaawa ako! Buksan mo ang pintuan!" tinakpan ko lang aking tenga sa sermon niya.


Nung marinig kong nawala na yong ingay ay napangiti ako, talo siya---or not.


"Karlo! Ang ingay niyo ata jan, ano bang nangyayari?" narinig ko ang boses ni mama sa kabilang pintuan. Patay ako!


Mabilis akong bumangon at pinuntahan ang pintuan, agad ko itong binuksan. Yong mukha ng kapatid ko, nakabusangot.


"Bat ba ayaw mo kong papas---"


"Ssshh! Wag ka ngang maingay! Sa loob! Bilis!" pabulong kong sabi. Sinunod naman niya ako.


"Oh? Bat hindi ka papasok?" nagtatakang tanong ni Karlo.


"Because I need privacy. Sa kwarto mo muna ako ha? May kailangan lang akong isipin na nangangailangan ng tahimik na lugar."


Isasara ko na sana ang pintuan ng hinarang niya ang kanyang paa.


"Karlo!"


"Hindi ba pwedeng dito ka muna?"


"Para sayo, ano ba ang privacy? Private. Hindi public. Gusto ko ako lang mag-isa. Kailangan kong mag-isip ng seryoso."


"Gaano ka seryoso?"


"Ano ba Karlo! Pwede ba? Ayokong mainis sayo ngayon, time out muna."


Pero imbes na sundin niya ako ay lumabas na rin siya sa kwarto ko at siya na mismo ang nagsara ng pintuan. Ang resulta, pareho kaming nandito sa labas.


"Ano ba ang kailangan mo ha?" singhal ko sakanya.


"Ikaw." seryosong sabi niya.


"Bakit anong meron sa'kin? Karlo Ryan naman, may problema ako ngayon, wag ngayon please." paki-usap ko sakanya pero hindi pa rin siya natinag. I sighed. "Bakit ba? May problema ka rin ba?"


"Oo. Gusto ko lang naman i-share sayo eh. Ikaw lang ang masasabihan ko nito." muka siyang babae, but I don't think so.


"Si Khin? Kay Khin mo i-share. Bat ako?"


"Dahil alam kong mas marami kang alam tungkol dito."


"Ano bang problema yan?" nagseryoso na rin ako.


Tumingin siya sakin na parang ang lungkot-lungkot niya at kumbaga, mas malaki pa yong problema niya kesa sakin.


"Lovelife ba? Hindi ako expert niyan ha, wag kang umasa na matutulungan kita. Ako nga wala non eh, kaya wag na lang talaga."


Umiling naman siya. Ahh okay. Ang OA ko naman eh. Lovelife agad? Palibhasa lovelife ang problema ko eh.


"Eh ano ba?"


"PAINTING!"


Ngumiti siya ng abot tenga habang ako naman ay halos mag-alburoto na sa inis. Hoo. Kalma ka lang Kriselly. Wag mong intindihin yong pang-didisturbo niya sayo kanina, para lang sa painting na yan.


"Ate! Gawan mo ko ng painting! Project namin! Yan na ang huling project namin para sa Mapeh." pagmamakaawa niya.


"Hindi ako inspired. Expired ako. Gusto mo bang lumiit yong grade mo?" binuksan ko na yong pintuan ng kwarto ko at humiga sa kama.


Tamad ako ngayon.


"Hindi! Alam ko namang hindi mo hahayaang maging pangit ang resulta eh." pumasok rin pala siya sa kwarto.


"Expired nga diba? Kailan ba ang deadline?" tanong ko, baka may chance pa kung ibang araw ang deadline.


"Sa Lunes."


"Eh matagal pa naman yan! Bat ang aga mong nag-request? Wala ka talagang trip?"


"Actually meron. Si Khin kasi---" pinutol ko yong sinabi niya.


"Bakit? Anong meron kay Khin?" bigla akong kinabahan. Hala hala, sana walang masamang nangyari sakanya.


"Palagi na lang siyang badtrip. Parang ang saya-saya pa niya nung Monday pero matapos yung, yung time na isasauli mo na sana ang hoodie niya? Parang nabadtrip na siya, don sa may Covered court? Nung Tuesday?"


Tinignan ko si Karlo. Eh napapansin ko rin naman kay Khin yon eh. Itatanong ko rin sana kung bakit siya nagkaganon pero mukang wala namang alam si Karlo.


"Bakit kaya ganon si Khin?" tanong ko kahit alam ko namang hindi naman masasagot ni Karlo yon.


"Hindi ko alam. Basta ang alam ko, hindi siya namamansin pag galit siya sa isang tao."


Napa-face palm ako. Confirmed. Baka nga galit siya sa'kin.


Bat ko ba kinalimutan pang isauli yong hoodie niya? 1 week na yon dito sa kwarto!


"Karlo, pakiabot nga sa'kin yang pink na paper bag." tinuro ko yong paper bag na nakapatong sa table katabi ng cabinet.


Kinuha naman ito ni Karlo at tinignan kung ano ang laman.


"Hoodie? Ni Khin? Hindi mo pa ito naisauli?" gulat na sabi niya.



"Oo. Sa tingin mo, yan kaya ang dahilan kaya siya galit?" tatanga-tanga ka kasi Kriselly!



Gusto kong sabunutan ang sarili ko, ayan! Yan napapala ng katangahan, may nagagalit sayong tao. Pwede maiyak? Huwaaah!


"Hindi." sagot niya kaya napatingin ako. "Actually, ibibigay na yan ni Khin sayo. Sayo na raw iyan."


Sa sobrang gulat ko saaking narinig ay parang sumabog sa bilis ang tibok ng puso ko. Ibibigay niya sa'kin? Mahal ko na siya! Pero hindi, isasauli ko pa rin ito sakanya.


Pero teka...


"Kung hindi yan ang dahilan, eh ano ang ikinagagalit niya?"

Dear CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon