Entry #79

2.4K 77 0
                                    


Dear Crush,


Nakita ko si Renz sa Mall kahapon malapit sa department store. Matagal ko na rin siyang hindi nakita pero ang gwapo pa rin niya no? Walang kupas ang kagwapohan ng kuya mo. Gusto ko siyang pansinin, gusto ko siyang maging kaibigan alam mo ba kung bakit? Dahil paano pag kinasal na tayo crush? Dapat bati bati ang family natin para happy together! Nyahaha.


Wish ko mang mangyari 'yon pero ayaw ng mga paa ko, dumikit sila sa tiles ng Mall at ayaw gumalaw, malapit ng makapasok si Renz 'non nang napalingon siya sa'kin tapos nakita niya ako at... ngumiti siya?


Shock na shucks! Ngumiti ang kuya mo sa'kin! Pangalawang beses na 'yon! I know na ako 'yon kasi walang ibang tao sa likuran ko, mga tao lang na abalang kumakain sa food court. Tiningnan ko kasi at baka mapahiya ako pero waaa! Ako talaga yung nginitian niya!


Ang gwapo niya talaga no? Kaya hindi talaga ako nagsisisi na naging crush ko siya dati. Oh? Ayan ka na naman crush! Wag ka ngang magselos! Lalo akong naiinlove sa'yo pag nagseselos ka! Oo gwapo siya, gwapo ka rin kaya, pero hanggang don lang. Nagagwapohan na lang ako sa kanya. Ang magka-iba sa inyong dalawa? Gusto kita.


Ay mali pala... higit na sa gusto. I love you Khin Ralf! Ang sarap mainlove sa'yo! :)


PS.
Isang entry na lang! Aamin na ako!


- Crash

Dear CrushDär berättelser lever. Upptäck nu