Entry #41

2.8K 87 1
                                    


Dear Crush,


Bad ang baby cousin ko cruuush! Napaka-bad niya talaga! Bakit ba kasi ako nagpauto sa angelic and innocent face niya? Bakit? :3


Sinama ako ni mama na bisitahin yong kamag-anak namin. Sumama naman ako kesa mapagod kakadelete nung texts ni Unknown Number. Pagdating namin don, sinalubong kami ng beso-beso atsaka, 'musta? Chuchu' doon. Ako naman---ang dakilang mahiyain sa world---smile lang ako ng smile tapos tango. Pinapasok nila kami sa loob tas chika-chika sila ng mama ko.


Nahuli ang aking atensyon ng biglang lumabas si tita mula sa kwarto niya habang karga-karga si sobrang cute baby cousin ko. Bumilis ang heartbeat ko! Grabe! Ang cute niya sobra! 2 years old na siya crush, girl. Sana magkaroon rin ako ng cute na baby katulad niyan(aampunin ko lang naman! Haha joke).


Nashock ako ng tinuro ako ni baby kaya tumingin ako sa may likuran, gilid, kaliwa, kanan, ngunit ako lang ang nakaupo sa sofa'ng iyon. Bigla siyang nag-giggle! Waah! Ang cute niya talagaaa! Inggit na ako sa kacute-tan niya promise!


Natawa sila mama at ang iba ko pang kamag-anak. Si tita naman ay biglang lumapit saakin, napayuko ako---I'm socially impaired. Pinakarga niya saakin si baby dahil magluluto muna sila ng pagkain. Sumang-ayon na lang ako at hinawakan si baby, tumayo sila mama at pumunta lahat sa kusina---naiwan ako sa sala kasama ang chubby na bata at hindi chooey choco(hahaha! Funny Kriselly -_-).


Tinignan ko siya ng maigi, yayks! Nagsmile muna si baby girl saakin at hindi ko namalayang hinawakan niya aking pisnge tapos pinisil. Tapos non... tapos... hinalikan niya ako! Waaah! Smack siya pero umabot ng 2 seconds! Namilog ang mata ko sa gulat ngunit yong baby ay nag-giggle ulit habang nag-clap pa. Uwaaah! Womaniac ang baby! Lesbian ata to! Bad ang batang paslit na ito! Huhuhu! Awayin mo nga to crush! Nianakaw niya aking first kiss! Huhuhu! Tita kasi! Huhu!


Hindi naman ata counted yon diba? As kiss? Ibig sabihin available pa aking first kiss? Kung counted man, shems! Hindi na Virgin Mary ang lips ko!


- Crash

Dear CrushWhere stories live. Discover now