Entry #18

3.5K 108 1
                                    


Dear Crush,


Kalalabas ko lang mula sa library kanina tapos dumiretso na ako sa Mapeh room. Pagdaan ko sa hallway, nakita ko 'yung little brother mo na galing atang canteen, may bitbit kasi siyang iced tea atsaka pancake. Para naman mabawasan 'yung takot niya sa'kin since nagka-eye contact na rin kami ay tinaas ko 'yung kamay ko para mag-wave sakanya kaso, hindi niya nakita na nag-wave ako to say hello dahil tumalikod siya agad.


Muntik na akong mapahiya crush! Buti na lang at dalawang students lang ang nandun sa hallway, puro Grade seven pa dahil kulay green yung cord ng ID's nila.


Napailing akong pumasok sa Mapeh classroom kanina. May problema kaya si Khin saakin? Tanungin mo kaya crush! Ay wag na lang pala, baka hindi lang niya talaga nakita na nagwave ako sakanya.


- Crash

Dear CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon