Entry #12

4.2K 110 3
                                    


Dear Crush,


Imbes na magtatalon sa kilig gaya ng mga normal na reaksyon sa tuwing makikita ang crush---salungat ang nangyari saakin. Napako ang mga paa ko saaking kinatatayuan lalo na nung medyo tumingin ka sa direksyon ko. Gad! Naramdaman mo kaya na tinitigan kita kanina? Kasi naman! Nalungkot ako nung malayo-layo ka na saakin, natakot ka ata eh, bigla ka nalang nagmadaling maglakad :(


Natauhan naman ako nung biglang tumunog ang aking phone. Nakakahiya! Napatingin tuloy ang mga estudyante saakin. At shems! 7:12am na! Late na nga ako! Lakad-takbo yung ginawa ko patungong classroom, shucks! seryoso ang mga mukha ng classmates ko pagdating sa classroom! Except lang sa mga friends ko, parang natawa sila dahil late ako. Gusto ko rin sanang matawa kaso malungkot ako sa panahong iyon dahil natakot ka sa'kin. Si sir naman ay napatingin sa gawi ko, ehem, nadisturbo ko ata si Sir sakanyang lecture eh. Sorry po.


Naka-yuko akong pinuntahan aking chair. Kinuha ko ulit yung phone ko, baka kasi importante yung message kanina, di ko pa naopen dahil narattle ako sa time. Pag-open ko,napatigil ako sa paghinga ng mga ilang segundo nung biglang bumalik sa pagbilis ang tibok ng puso ko. Namilog ang mata ko nun sa gulat at medyo naging shaky pa yung kamay ko, muntik ko pa ngang nabitawan yung CP ko! Shucks! Tama ako.


Ngunit hindi ito message, pero para sa'kin importante...


- Crash

Dear CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon