Kriselly

2.6K 92 3
                                    

Kriselly


Kulang na lang na ihatid ako ni Karlo sa isang lamay na nadaanan namin habang bumyahe pauwi sa sobrang lungkot ng mukha ko matapos 'ko siyang sunduin sa araw na 'yon.


Hindi ko nakita si Khin Ralf. Wala tuloy akong nasulat sa diary. Gusto 'kong maiyak at magwala! Huhu! Hindi na lang ako nag-abala na isulat sa diary ang nangyari sa sobrang sawi ko, walang abilidad na sumulat ang mahiwagang kamay ko dulot ng pagiging sawi.


Hindi ko pa rin siya nakita, but not for long. Akala ko ngang huling araw ko na 'yon pero sabi kasi ni Karlo na itutuloy na raw namin 'yong outing tutal bakasyon na kaya nabuhayan ako.


Dinala ko rin pala ang diary ko ngayon, isinama ko. Siguro naman ay may masusulat na akong makabuluhan ngayon diba? Magkikita kasi kami! Yiieee!


"Sigurado ka bang sasama si Khin ngayon?" umusog ako at dumikit kay Karlo.


Hindi ako mapakali.


Nasa loob kami ng taxi ngayon patungong resort. Today is the day. Ngayon na 'yong outing namin. Sabi ni Karlo saakin na kamag-anak nina Khin ang nagmamay-ari nong resort. Halata naman e, sa pangalan pa lang ng resort na Whyte Resort ay  mahihinuha nang kamag-anak nina Khin ang nagmamay-ari.


Actually si Karlo at Khin, silang dalawa ang nag-sabotahe para matuloy ang matagal ng na cancelled na outing na ito.


"Tinatanong pa ba 'yon? Hindi halata na gusto mo siyang makita ah." umangat yong dulo ng labi niya.


Namula ako sa kahihiyan.


"H-hindi naman e." umusog tuloy ako palayo. Aysh!


"Sasama siya, kami ngang dalawa ang nagplano nito diba? Kaya kalma ka na Ate. Wag kang magpahalata na gusto mo siyang makita." tumawa siya ng mahina.


Nagpukol ako ng masamang tingin sakanya kasi namumula na ako sa hiya.


"Sabi ko na hindi diba? Kailan pa naging oo ang hindi?"


"Ewan ko. Ay teka, may kaibigan din pala kaming sasama. Wag kang mahihiya ah?"


"Huh?" namutla ako saking narinig.


Shems! Hindi ko alam 'yon! Ba't ngayon niya lang sinabi 'to?


"Sasama rin 'yong kaibigan naming may HD kay Khin. Hahaha." nasaktan ang puso ko kaya napayuko ako.


Sabi na nga ba may kalaban din ako sakanya, magka-edad pa sila. Talo na ba ako?


"Wag kang tumawa, nalulungkot ako rito. Damayan mo ko, ako ang Ate mo kaya sundin mo ang inuutos ko sayo." ma awtoridad na sabi ko.


"Grabe 'yang moodswings mo." napa-tsk siya at tumingin sa bintana ng taxi. "Ay nandito na pala tayo. Manong dito na lang ho."


Kinuha na namin ang mga bags at iba pang gamit. Si Karlo na ang nagbayad sa pamasahe namin. Lumabas na kami ng taxi.


Pumasok na kami sa loob matapos magbayad ng pang-entrance fee. Madami pala ang tao. Maraming naliligo. Kadalasan sa nakikita ko ay pamilya, for sure nagbabakasyon sila kaya nandito.


Nilibot ko aking tingin sa kabuuan ng resort.


"Wow ang ganda!" di ko mapigilang hindi ma-amaze dito.


Ang gara kasi ng pagka-disenyo, napaka-elegante. 'Yong arrangement ng garden, 'yong kulay ng flowers ay nabalance talaga tapos may mga statue nang mga Goddess of Greek sa gilid ng pools nila. Nakita ko 'yong statue ni Zeus tas katabi non ang statue ni Hera, nandon din si Athena na may dalang bow and arrow. Marami pang ibang Gods pero hindi ko alam ang mga pangalan nila. Hindi kasi ako nanonood ng mga Greek Mythology na movie o nagbabasa man lang, kakaunti tuloy ang may alam ako.


Dear CrushWhere stories live. Discover now