Entry #16

3.6K 120 7
                                    


Dear Crush,


Naopen ko na si FB.


Yaaahuu! Nakahinga ako ng maluwag. Hoo! Thank you dahil walang bakas ni green dot ang nakita ko sa tabi ng name mo! Yay! Isang active 1 minute ago lang ang nakita ko, grabe ang timing pero honestly? there's a part of me na nagwish na sana naabutan kita. Sana nakita ko na lang si green dot. Sana online ka na lang. Sana...


Oo na! Magulo talaga akong tao crush, pero sana wag kang ma turn-off sa'kin pag nalaman mong ganito ako ha? Wag please!


Dahil wala akong magawa kanina ay binisita ko na lang 'yung timeline mo. Oy! Hindi stalking ang tawag 'don crush, mas better term 'yung admiring! Kasi ang pogi mo! Yep! Hihi. May isang picture talaga don na binihag ang puso ko, grabe! Napatulala nga ako ng mga ilang segundo ng makita ko yun kasi ang cute-cute mo doon na parang ang sarap pisilin ng cheeks mo? Shucks! Gusto ko tuloy mamisil ng pisnge, pwede ka ba?


Crush, pogi ka naman ah, ba't hindi picture mo ang nakalagay sa profile pic mo? Kinahihiya mo ba ang gwapong mukhang iyan? Pero ok lang! Mas mabuti na nga iyon para di malaman ng ibang facebook friends mo na gwapong nilalang pala ang nagmamay-ari ng account mo. Baka ligawan ka pa nila! Tapos sasagutin mo sila kasi ang gaganda nila. Huhu selos ako!


Walang pag-alinlangan at sinave ko yung photo mong cute na cute sa phone ko. Para mas bongga, ginawa ko pang wallpaper! Wahaha! Ngunit, huli na ng nalaman kong naclick ko pala 'yung like button. Ay gashung! Halos lahat ng nakita kong pics mo ay na like 'ko pala!


Patay! Baka mag-appear sa notifs mo 'yun! :O


- Crash

Dear CrushTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang