"Ako na lang." nagulat ako dahil si Joy ang unang nag-volunteer.


"Go Ate Joy!" cheer ni Steff.


Sinilip ko saglit si Khin. Tahimik lang siyang nakatingin... saakin. Lumundag na naman ang puso ko. Nagseselos pa ako.


Nag-spin na 'yong arrow hanggang sa tumigil ito kay Karlo.


Pinigilan ko aking tawa. Ano kaya ang idadahilan ni Joy? Hahaha.


"Mahal kita kasi..." nagbuhol ata 'yong dila niya, "kasi tao ka?"


"Hahahaha!"


Nagtawanan kami except kay Joy na napakamot sa ulo. Hahaha! Napaka-lame ng dahilan niya, well, atleast may dahilan siya.


"My turn." sabi ni Karlo.


Pina-ikot niya ang arrow hanggang sa tinuro nito si Steff. Ngumisi lang 'yong kapatid ko.


"Mahal kita kasi kaibigan kita." madaling sabi niya. Oo nga naman.


Ngumuso si Steff at tumango na lang. Siya na naman ang sumunod na nagpaikot sa arrow, wag sanang tumama kay Khin! Kundi! Nako!


At thank God! Hindi kay Khin ito tumama... pero saakin. Napalunok ako.


"Mahal kita kasi ang cute mo Ate Kriselly! Muka ngang magka-age lang tayo, naiinggit nga ako sa kacute-an mo. 'Yong hair mong naturally brown tapos di masyadong mahaba. Those gorgeous eyes na pag  nakita ko ay parati na lang kumikinang, mahabang pilik-mata. 'Yong nose mo atsaka ang cute rin ng lips mo na parang heart shape, pinky cheeks. Baby face ka masyado Ate! Ang Cute!" at parang nanggigil pa siya saakin.


Natahimik ang lahat.


Namilog ang mata ko at buti na lang ay hindi ako napanganga. Ano? Totoo ba 'yon? Yun ba ang tingin saakin ni Steff? Shucks. Nakonsensya ako. Sinusuntok ako ng konsensya ko. Wala akong masabi.


"Ikaw na naman Ate."


Huminga muna ako ng malalim. Alam mo yung feeling na may nakatingin sayo? Bigla ko na lang naramdaman iyon kaya medyo nahiya akong abutin ang arrow.


Pinaikot ko na ito.


Di ko sinadya na mapatingin kay Khin Ralf, tumitingin din siya saakin. Sinandal ni Steff ang ulo niya kay Khin. Gaano man ka tindi 'yong papuri saakin ni Steff kanina ay pakiramdam ko pa ring ang panget ko! Sobra! Nagseselos na naman ako. Ano ba talaga ang meron sakanilang dalawa? Naguguluhan na kasi ako!


"Ehem"


Ngumuso si Karlo sa compass ba 'yon, sinundan ko ng tingin at kumabog ang puso ko na makitang ang tinuro nito ay si Khin Ralf.


God.


Ano ang sasabihin ko?


Tumingin ulit ako kay Khin Ralf. Kumikislap 'yong mata niya. Gusto 'kong magalit sakanya dahil hinahayaan niya lang si Steff na sumandal sa balikat niya... pero 'di ko kaya.


May mali sa larong ito. Hindi dapat ito ‘Mahal kita kasi’, pagmahal mo ang isang tao dapat ‘Mahal kita kahit’. Kung dahilan ang hinahanap nila, ibig sabihin gusto lang niya ito at hindi mahal.


"Ate, ano na?" di makapag-antay na sabi ni Karlo.


Aysh! Ano na Kriselly? Di mo naman pwedeng ibuking ang sarili mo. Di ka pa pwedeng umamin dahil hindi pa nabasa ni Khin ang diary mo.


Diary...


"Mahal kita kasi..." kinagat ko aking labi, kaya ko ito.


Huminga ulit ako ng sobrang lalim. Seryoso lang si Khin na nakatingin. Nangangalap ako ng energy.


"Mahal kita kasi..." parang naeexcite na sana si Khin sa susunod 'kong sasabihin. Mas lalo akong kinabahan!


"Kasi kapatid ka ni Renz."


Napansin 'kong nawala 'yong kislap sa mata ni Khin. Parang nalungkot siya. Nawala ang excitement 'don. Muka rin siyang nasaktan. Ngayon ko lang nakita sakanya 'yon, alam 'kong nasaktan siya. Nababakas kasi sa itsura niya. Napunit ang puso ko.


Umiwas siya ng tingin.


Bakit? May mali ba sa sinabi ko? Ayaw ko pang mabuking. Hindi pa ito ang tamang panahon. Laro lang kaya ito.


"Si babe naaa!" sigaw ni Steff.


Matamlay siyang ngumiti kay Steff and I swear, parang dinurog at tinadtad ng paulit-ulit ang puso ko.


Akala ko na masakit 'yong kanina, 'yong makitang nakasandal si Steff sakanya, pero mas masakit itong nakikita ko. Mas masakit palang makita na nalulungkot siya.


Mygad naman kasi! Ano bang meron sa sinabi ko na ikinalulungkot niya?


Alam 'kong 'yon ang dahilan kaya siya ganyan ngayon!


Gusto 'kong maiyak. Nalulungkot na rin ako Khin Ralf. Wag ka na ngang malungkot. Ngiti ka ulit please. Nalulungkot talaga ako sa'yo.


Pinaikot niya ang arrow. Nanghihina na ito sa pag-ikot. Tinuro nito si Karlo... Joy... stop.


Shucks.


Bakit saakin?


Lumulundag ang puso ko sa kaba. Sobrang kaba. Nagwawala ang puso ko saaking katawan, kung pwede ko lang itong dukutin ay ginawa ko na dahil nahihirapan talaga akong huminga.


Ang nakakapagpakaba pa saakin ay yung titig ni Khin Ralf. Sobrang seryoso. Kung seryoso siya noon, doble ito ngayon. Magkahalo yung titig niya, nandon din ang kalungkutan. Pero mas nanaig ang seryoso.


Napalunok ako at parang hindi ako mapakali.


Gusto kong umiwas ng tingin pero nalulunod na ako sa mga tingin niya kaya napukol ang atensyon ko sa kanya.


Sa kanya lang.


"Mahal kita kahit maliit ka..." panimula niya.


Huminga muna siya ng malalim bago nagpatuloy.


"Mahal kita kahit one inch lang ang nadadagdag sa height mo. Mahal kita kahit minsan, 'di mo ko pinapansin. Mahal kita kahit medyo tanga ka. Mahal kita kahit hindi mo iniingatan ang sarili mo. Mahal kita kahit 40 kilos ka lang ata. Mahal kita kahit selosa ka. Mahal kita kahit sabi nila na Ate kita. Mahal kita kahit may gusto kang i-iba, ang mas masaklap ay si Kuya Renz pa ito, Kriselly, akala 'kong hindi na si Kuya pero mali ako, siya pa rin talaga. Mahal kita kahit nasasaktan ako."


Nag-pause muna siya, napayuko saglit.


Hindi kayang ipasok sa utak ko ang aking mga narinig mula kay Khin Ralf. Sobrang tahimik namin ngayon. Hindi ko alam kung ano ang i-re-react. Ang seryoso niya, parang maluluha ako sa sobrang seryoso niya.


Hindi ko alam kung bakit pero may kakarampot na parte saakin na naniniwalang totoo 'yong mga sinabi niya. Na hindi lang laro ito para sa kanya. Na Mahal niya ako kahit hindi ako perpektong tao.


Napabuntong hininga siya. Umangat na 'yong ulo niya. Nagkasalubong ang titig naming dalawa.


Bakit 'yon ang sinabi mo Khin? Laro lang ito diba? At dahilan ang hinahanap sa larong ito.


"Alam 'kong nagtataka ka Kriselly kung bakit hindi dahilan ang sinabi ko, pasensya ka na kasi wala akong maibigay na dahilan sa'yo. Alam mo ba kung bakit?"


Nagpipigil hininga ako.


Ang seryoso pa rin niya.


Bakit Khin Ralf?


"Minahal kasi kita ng walang dahilan."

Dear CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon