"Tumigil ka nga jan, parang baliw to." Hinampas nanaman ako ni Mika habang bumubulong para hindi maistorbo yung dalawang nanunuod. "Babe can't help it eh, di ba sabi mo pwede ung kasunod ni Issa kapag 2 years old na siya?" Tanong ko, hindi pa din ako susuko sa basketball team ko. Hehe.

"Ay tigilan mo ko, tignan mo yung anak mo? Napakalikot? Tapos dadagdagan mo na? Tumigil ka. Saka na kapag kaya hindi alagain yang isa mo." Ang tagal pa nun eh, maktol ko. Parang nabasa naman ni Mika ang nasa isip ko, tinignan niya ko with her scrutinizing stare sabay hatak sa nguso ko, napahiyaw talaga ako kaya napatingin si Issa at Mikole samin.

"Mika masakit naman kasi ah!" Reklamo ko kunot na kunot ang noo tapos nilambing lang ako nung isa. "Love you." Mandaraya din eh. "Pasalamat ka talaga eh." Bulong ko sa kanya habang nakapulupot ang braso niya sa leeg ko, kandong ko pa din siya isang kamay sa bewang at yung isa sa mahabang binti niya.

"Lab lab. Lab lab Issa!!" Mabilis na tumayo si Issa at patakbo sa amin pero dahil hindi niya pa maakyat ang sofa tumawa muna kami bago siya binuhat ni Mika. Si Mikole tinuon ang atensyon niya sa tv.

"Ang bibigat ng babies ko." I commented they both giggles. Mukha lang talaga ang namana sakin, kulay at ugali ay inang ina niya. Hehe. Selosa din eh.

Mika

Naghihinala na ko dito kay Kiefer eh, nung isang araw may tumawag sa kanya at kailangan niya pang iexcuse ang sarili niya para sagutin yun. What is it they're going to talk about na hindi ko dapat marinig? I said to myself with my brows raising but I keep on shaking the thoughts out of my system.

"Mika.. Tiwala. Tiwala lang." My mantra. Tapos ngayon busy siya kakapindot ng pesteng cellphone niya, nagtetext. Sino naman ang katext niya ng ganitong oras? I checked the time, it's past 10pm. Kakapatulog ko pa lang sa makulit na Issa at nadatnan ko siya ditong kunot na kunot ang noong nagtetext.

"Hindi ka pa ba matutulog?" Tanong ko. Binaba niya ang phone niya at binalingan ako. "Babe, wait lang po. Tulog ka na, maya lang tulog na ko." He said to me rubbing his fingers against my face then kisses my forehead.

"Okay." I replied nonchalantly. Hindi ko alam pero kabado ako. Nakatulog na lang ako nang tuluyan text pa din siya ng text.

Sino kaya yun?

Pagkagising ko ng umaga wala na siya sa tabi ko. Pilit kong inaalis sa isip ko yung kabang nararamdaman ko. Pumunta ako sa kwarto ni Issa only to find it empty. Baka sinama ni Kiefer magjog ang anak niya, I said to myself. Dumiretso ako sa baba para magprepare ng breakfast for us pero pagkapasok ko ng dining nakaready na ang pagkain.

"Huh?" Saktong labas nung mag-ama, si Issa nakakapit sa shorts ni Kiefer kumakanta pa sila nakakatawa kasi puros dulo lang ang nakakanta ni Isabella.

"Hi Nanay good morning!" Bati ni Kiefer, for a moment I forgot about my worries.

"Nana!!" Tumakbo si Issa papunta sakin at nagpabuhat. "Naku, heavy na our little princess eh." Sabi ko pero binuhat ko pa rin siya, Kiefer moved the chair for us to sit.

"Thanks. Morning babe." He kissed my temple as a response. Todo asikaso siya sakin.

"Anong meron?" Tanong ko. Nakakapagtaka lang kasi.

"Wala, masama bang pagsilbihan ang aming Ilaw?" He wrinkled his brow at me and then Issa na para bang may alam sila na hindi ko alam. Damay talaga ang anak niya ah? As if naiintindihan na nito.

"Sigurado kang wala kang ginagawang kasalanan sakin ah." I mumbles suspiciously.

"Kapag sweet may kasalanan agad? Di ba pwedeng sobrang mahal ka lang?" Banat ni Kiefer, bigla tuloy akong naguilty. Here I am thinking that my husband could be unfaithful again when he's trying his best to make it up for me and Issa. Shit, what's happening to me? Trust him Mika. Trust him.

Kiefer

Mika keeps on giving me that weird look, nakakahalata na kaya siya that I'm up to something? Di pwede.

"Pauly!" Buti sinagot agad ni Pauly yung phone niya.

"Oh? Paps wag kang magaalala nga okay na lahat. Chill ka lang."

"Okay. Good good, salamat talaga buti nalang talag anjan ka eh. Maasahan ka talaga paps, don't worry ako bahala sa date niyo ni Nice. Niiiiice!" Biro ko. Leche kasi tong si Pauly ang bagal kumilos lagi.

"Yan! Yan eh. Ge paps, labyu." Tangina bakla talaga to.

"Okay. Labyutoo." I snickered.

Mika

I overhead him, sneaking at the kitchen. He's on the phone.

"Love you too." Eto nanaman ba tayo? Parang gusto kong umiyak bigla. Ayoko nito.

"Mika? Babe!" Nagulat siya when he saw me. Huling huli ba? Tss.

"Kanina ka pa?" Hindi siya makatingin sakin, guilty. Ano ba Kiefer! Bakit ganito?! Ano bang nagawa ko? Gusto ko siyang sampalin sa inis.

"Hin-di. Hindi. Kakadating ko lang, bakit?" Arte ko. Be honest to me Kiefer, tatanggapin ko basta sabihin mo sakin. I plead.

"Ah." Nakahinga siya ng maluwag.

Kiefer... Please.

"Babe, aalis ako ah? Kasi magkikita kami nila Kev. Okay lang?" Eto nanaman tayo. Ganitong ganito din siya noon. Aalis ng bahay makikipagkita daw sa mga kaibigan pero hindi naman. Tumango ako ng matamlay.

"Okay ka lang? Parang matamlay ka?" Kinapa niya ang leeg ko pero lumayo ako. I don't want him to touch me. Kanina tinext ako ni Mama, greeting me a Happy Mother's Day. Yun pala ang araw ngayon nakalimutan ko, binati ko sila Mama at Ate pero si Kiefer hindi ata aware. Or baka yun na yung breakfast kanina.

"Wala to. Anong oras ka uuwi?" Tanong ko.

"Hindi ko pa sure babe, tetext kita." Exactly what I thought he'd say.

Kiefer

Kanina nakita kong matamlay siya, parang ayaw ko na lang umalis at sabihin na lang sa kanya yung surprise ko kaso hindi. Tiisin mo muna Kief, para sa kanya din to.

"Papunta na ko." Sabi ko pagkasagot ni Thirdy ng telepono. Today is Mother's Day, ngayon din naisip ko na gusto kong makasal kami ulit. Matagal ko ng pinaplano to, ngayon lang minaterialize kasi bumalik na siya sa bahay. Ngayon gusto kong irenee ang vows namin, this time wala ng monkey business. Wala na talaga.

Small wedding lang, mga close lang talaga samin at sobrang sikreto. Gagawin sa Tagaytay pa din, sa resort nila Tin isa sa mga bestfriends niya. Ang plano yayaain ng Lings si Mika magroad trip tapos dadalhin nila sa Estancia. Bago bumaba ang araw, yun ang napili kong oras ng kasal. Excited na excited na ko.

Nice Calling...

"Uy?" "Kief may problema ayaw sumama ni Mika. Ginawa na namin lahat eh."

"What? Bakit?" Napatigil ako sa pagdadrive. Mukhang may sapak pa ang misis ko.

"Umiiyak eh. Gago ka daw. Ano bang ginawa mo?" Huh? Anong ginawa ko?!

Us HappenedWhere stories live. Discover now