" Wag mo akong subukan.. Kaya kong panindigan ang mga salita ko ngayon kaya bahala ka kung ayaw mong maniwala. " halukipkip pa etong umupo. Wow ha? Feel na feel na nasa bahay lang ang peg nya?
" Bahala ka din! Sige, dyan ka na! Papasok pa ko sa loob. " kahit nakakahiya ang ginawa nya. Inagawan ko pa ng eksena si Ice at Lourenz sa ginawa ng hangal na yun e.
Pumasok na ko at iniwan sya dung nakaupo. Aalis din yun, alam ko. Di nya titiising umupo dun ng matagal.
*
" Nasaan na yung unggoy na hinila mo kanina? Bakit di na bumalik? " tanong ni Lourenz sa akin pagkarating ko sa loob.
" Dun sa labas, nakaupo. " tumango naman sya. Kung alam lang nya ang ginawa ng Enzo na yun, baka matawa pa si Lourenz.
Inabot ng isa at kalahating oras ang party ni Bhest. So far, nakakaenjoy naman. Nakakapagod nga e. Huli kaming lumabas ni Bhest sa hotel. Tiningnan ko ang lugar kung nasaan si Enzo na iniwan ko.
O_____O
" Manong, umalis ba yan sa kinauupuan nya? " curious kong tanong sa security guard ng naturang hotel.
" Naku! Hindi po Ma'am. Kanina pa nga namin sinasabihan nung umalis kayo pero ayaw talaga eh. Di daw sya aalis dun hangga't di sya pinapatawad ng babaeng mahal nya. Pursigido talaga yung lalaki na yun na patawarin sya. Seryoso eh. "
" Ganun po ba? Ah, sige po. Salamat.. " pumasok ako sa aking kotse habang tanaw ko si Enzo. Nagkakamot na sya dahil sa mga lamok. Humihikab na rin siya. Nahahabag ako sa ginagawa nya pero tinitiis ko lang na wag maawa sa kanya. Halos isang oras na ring nakamasid ako sa kanya. Di talaga sya umaalis dun kahit ilang beses syang sinabihan at nilapitan ng mga tao. Inaantok na nga ako eh pero di talaga sya umaalis dun. Its already 1am ng madaling araw. Di ba sya nilalamig dun? Ok. Nag-aalala lang noh!
Biglang kumulog at umulan ng malakas. Basang basa na sya pero di pa rin si Enzo umaalis dun. Seryoso talaga sya! Siraulo talaga!
Nagmadali akong lumabas at tumakbo sa kinaroroonan nya kahit nababasa na rin ako ng ulan. Eh paano! Nakakainis na sya! Basang basa na pero di pa rin sya umaalis dun. May saltik na talaga sya!
" NABABALIW KA NA BA! UMULAN NA AT LAHAT LAHAT, DI KA PA RIN UMAALIS DITO! MAGKAKASAKIT KA SA GINAGAWA MO, ENZO! " galit kong sigaw sa kanya. Di sya gumalaw. Nakayuko lang sya. Tinapik ko sya, " ANO! TUMAYO KA NA DYAN! "
" Di nga ako aalis dito hangga't di mo ako pinapatawad. Mahirap bang intindihin yun? Hayaan mo ko dito kung wala ka pang naisip na desisyon. " umangat sya ng tingin sa akin. " Nagsisisi na ako. Di pa ba sapat yun para patawarin mo ako? Pakiusap. " di ko alam kung maawa ba ako o maiinis sa kanya. Ugh! Sobra na ang ginagawa nyang kabaliwan e.
Napaiyak na lang ako at lumuhod na umupo sa tapat nya.
" Enzo naman e! Di mo 'to kelangang gawin! Magkakasakit ka na nyan! "
" Courtney? Pinapatawad mo na ba ako? "
Kaya ko na ba syang patawarin sa lahat ng mga ginawa nya sa akin?
" Enzo.. " kinuha ko ang kamay nya. " Kaya kitang patawarin ngayon pero yung second chance na hinihingi mo, mahirap ibigay sa'yo. Nasaktan ako, Enzo. Sobrang nasaktan sa mga ginawa mo. Buong buhay ko, naghahanap lang ako ng taong magmamahal sa akin kung ano ako. Akala ko, sa'yo ko yun mararanasan pero mali pala ako. "
" Courtney.. "
" Tumayo ka na dyan. Wag mo na pahirapan ang sarili mo sa mga ginagawa mo.. " tumayo ako at binitawan ang kamay nya. Under the rain, umiyak ako pero di nya halata. Tama naman ang sinabi ko e. Kaya ko syang patawarin kaso ang sakit ng sugat, nawawala pero ang peklat? Malabong matanggal.
" Di mo na ba talaga kayang bigyan ako ng pangalawang pagkakataon? " umiling ako.
" Hayaan mo naman akong maging masaya sa ibang tao. Natuto na ako, Enzo. If you truely loves me, let me go. Hayaan na natin ang isa't isa. " tinalikuran ko sya at pinunasan ng palad ang mga luhang tumutulo sa mga mata ko kahit wala ding mangyayari dahil may ulan.
" Sweetcake naman.. Kung napatawad mo ko, kaya mo kong bigyan ng pangalawang pagkakataon. Di ako susuko. Di ako titigil.. " natuod na lang ako nung niyakap nya ako mula sa likod. It's been almost three months nung huli nya akong niyakap, walang nagbago. Ang lakas pa rin ng tibok ng puso ko sa ginagawa nya. " Umuwi na tayo. Ihahatid kita. Madaling araw na kasi.. " bulong nya sa tenga ko. Tumayo ang mga balahibo ko sa katawan lalo na at ang higpit ng yakap nya sa akin. Weird. Di na rin ako kumibo nung hilahin nya ako patungo sa kotse nya.
Kaso ang kotse ko? T.T " Wag mong intindihin ang kotse mo, walang mangyayari dun. " tila nabasa nya ang nasa isip ko.
Tahimik lang ako in the whole ride. Di ko lubos maisip na sasama ako sa kanya. Haist. Di ko nga namalayan na nakatulog pala ako sa biyahe. Nagising na lang ako na nasa kama na ako. Bumangon ako pero di ko nagawa dahil parang may nakadagan sa akin na mabigat. O_O Halos mapasigaw ako nang nakita ko si Enzo.
" Waaaah! Enzo! What are you doing?! "
Nakapatong lang naman ang isang paa nya sa akin habang yakap ako. Shirtless sya at ako ay.. waaaah! Walang damit? De.. ibang damit ang suot ko.
" HALA! ANO 'TO?! ANONG GINAWA MO SA AKIN! WAAAAAAAH! BAT WALA KANG DAMIT! WAAAAAH! " nagpanic na ako. Di ko alam kung ano ang iisipin at gagawin ko.
Nakita kong nataranta din si Enzo. " Sweetcake naman. Wag kang maingay baka marinig tayo.. Naku naman oh! "
" Hamphm hjgmhm kagmgpja gmgagmpt! " he kissed my lips to make me shut up. O_____O
Itutuloy..
YOU ARE READING
Mr. NERD meets Ms. NERD - are they compatible?(COMPLETED)
RomanceIsang nerd na nainlove sa lalaki na pinaglaruan lamang sya.. Pinagpustahan. Masakit di ba? FACEBOOK ACCOUNT: ENZO: https://facebook.com/enzo.perez.50767 COURTNEY: https://facebook.com/courtney.torres.794
chapter 44
Start from the beginning
