CHAPTER 12: THE PLAN A

137 65 14
                                    

IYA POV'S

After ng klase namin ngayong umaga ay nagpunta na kami sa cafeteria para kumain. Nag order ako ng rice at shrimp dahil sobrang gutom na ako, sina Jamaica naman ay nag order na ng kanila.

"Evol, ako na." Biglang sambit ni Aaron at nagsuot ng plastic gloves para tanggalin ang balat ng hipon.

Galit namang tumingin sa kanya ang mga kaibigan ko.

"Pakitang tao." Galit na saad ni Nicole habang masamang nakatingin kay Aaron.

"Baliw!" Saad naman ni Jamaica habang nakacross arm at nakataas ang kilay.

"Sira ulo." Saad naman ni Stephanie.

"Ah. Ah. Kainamang sweet baga ng mga a're." Saad naman ni Mayor.

Tiningnan naman namin sila ng masama.

"Mayor!" Saway namin sa kanya.

Tumayo kami nina Nicole, Jamaica, at Stephanie upang lumipat ng upuan. Dinala ko ang pagkain ko pero iniwan ko ang shrimp na hawak ni Aaron kanina.

Hindi ko na talaga maintindihan kung matino pa ba ang utak ni Aaron! Paiba-iba ng ugali!

"Ano ba naman kayo? Sweet talaga akong tao." Saad ni Aaron at lumapit sa akin. Bigla akong nainis ng balak akong subuan ni Aaron ng shrimp na tinanggalan niya kanina ng balat.

"Baliw ka ba?" Naiinis na tanong ko. Hinawi ko ang kamay niya na malapit sa bibig ko na may hawak na hipon kaya't natapon ang hawak niya sa sahig. "Aaron ano ba?! Itigil mo na nga itong ginagawa mo! Huwag kang umakto na parang ang bait mong tao!" Sigaw ko sa kanya.

Napatingin naman sa akin ang mga kaibigan ko pati na rin ang ibang tao na kumakain dito.

"Iya, totoo ang sinabi ko sayo kahapon!"

"Paano naging totoo 'yun? 'Yung kumuha ka ng kumot para ibigay sa akin pero may ipis naman! T*nga ka ba?"

"Pero this time, totoo na talaga!"

"Gaano katotoo? Gaano kasigurado 'yang sinasabi mo?... Huwag mo na akong lokohin, Aaron! Bumawi ka kung gusto mong bumawi! Magrevenge ka sa akin kung gusto mong magrevenge! Wala akong pakialam! Gawin mo ang gusto mo!"

After kong isigaw iyon sa pagmumukha niya ay nagpunta ako sa cr.

Ano ba talagang gusto niyang mangyari?

Mapaniwala niya ako sa mga ginagawa niya pero puno naman ng paghihiganti dahil lang dun sa nagawa ko sa mall sa kanya!

Nakakainis na talaga!

Gusto kong bumawi sa kanya pero napapagod na ako!

(Pagod na rin ang author, charr >⁠.⁠<)

Habang nasa loob ako ng cubicle ay may mga naririnig akong mga babaeng nag-uusap.

"Talaga palang sweet si Aaron noh."

"Oo nga eh, swerte talaga ni Alliah."

"Bonus na lang yung pagkagwapo ni Aaron."

Anong sweet dun? Hindi ba nila nakita ang buong pangyayari? Hayyy, baka nga.

"Kaya nga, pero bakit dati nung naghiwalay sina Aaron, kumalat ang balita na manloloko daw si Aaron? Niloko daw niya si---"

VERACITY IN LIFE (The Untold Truth Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon