CHAPTER 59: AMOUR

84 52 3
                                    

"Huwag ka nang mag isip ng kung ano ano dyan, nasabi ko na sa mommy mo na dito na muna tayo tutulog. Naitawag niya na rin daw agad na bibigyan nila tayo ng hiwalay na kwarto"

"Ahh, ganun ba. E si daddy anong sabi niya? Siguradong magagalit na naman yun sa akin. Ayoko na ulit mangyari yun"

"Hindi ko pa siya nakaka usap e"

"Bakit naman?" Tanong ko. "Natatakot ka siguro sa kanya noh" panlalait ko sa kanya.

"Natural lang naman yun noh! Natatakot lang naman ako dahil baka hindi niya ako kayang tanggapin bilang manugang niya" nagulat ako sa sinabi niya.

Ano raw?

Manugang?

Pagiging isang manugang agad ang nasa isip niya?... Talagang malawak ang plano niya sa buhay. Jusko!

Naglakad na lang ako papasok at kinausap ang nasa front desk na employee para mag check in.

"Good evening Ma'am. It's nice to see you again." saad nung babae.

Anong ibig niyang sabihin?

Again raw... Nakapunta na ba ako rito?

"Hehe thanks" yun na lang ang nasabi ko.

Makalipas ang ilang oras ay inihatid na kami ng ibang employee sa aming magiging kwarto.

"Love" papasok na sana ako ng kwarto ng tawagin ako ni Aaron, nasa room 308 siya habang ako naman ay nasa 309.

Magkahiwalay nga kami ng kwarto ni Aaron pero magkatabi naman.

Kagaling sadya ni mommy. Naku!

"Oh bakit?" Tanong ko.

"Tsk, sungit" bulong nito at maya maya lang ay nag hand sign siya na 'tatawag ako'.

Bahagya naman akong napangiti. Bilang sagot ay nag hand sign ako sa kanya na 'tatawagan ko muna si daddy'

Tumango naman siya kaya't pumasok na ako sa loob.

Ibinaba ko muna ang gamit ko bago tinawagan si daddy.

"H-hello dad, sorry po hindi ko po agad nasabi sa inyo na narito ako sa Cebu"

"Ok lang anak, i heard about what happened to you kaya't you deserve to be happy. Pasensya ka na ah at hindi na kita naipagtanggol sa anak ni Amado" napangiti ako sa sinabi niya dahil alam kong may care parin siya sa akin kahit na may nagawa akong kasalanan sa kanya. "But, mag iingat ka parin ha lalong lalo na dyan kay Aaron"

"Dad naman, mabait naman po siya"

"Yeah, i know pero totoo bang lalaki yan?"

"P-po?" Nagulat ako at napa isip sa sinabi niya.

Totoong lalaki?

Bakit naman niya nasabi yun?

"May bali balita kasing nakasuot daw siya ng dress tsaka naka make up pa. Naku anak, bantayan mo yan" Napatawa ako sa sinabi niya.

"Pinagawa ko lang po yun sa kanya. Nakakatuwa nga po dahil nagawa niyang gawin iyon sa harap ng maraming tao"

"Talagang pinagawa mo iyon sa kanya? Bakit naman?"

"Ah e k-kasi po... K-katuwaan lang po daddy hehe" saad ko kahit na ang totoo ay nagawa ko iyon dahil may nagawang kasalanan sa akin si Aaron

VERACITY IN LIFE (The Untold Truth Series #1)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu