PROLOGUE

1.5K 236 40
                                    

IYA POV'S

Dalawang taon pa lamang ako sa lugar na ito ngunit nakakapagtaka na tila parang kilala na ako ng lahat... MALIBAN sa university na pinapasukan ko. Hindi ako gaanong sikat sa school na ito ngunit mayroon namang nakakakilala sa akin dahil sa angking ganda at talino ko.

Yabang ko sa part na ito ah! HAHA.

May ilan na gustong magpapicture sa akin at agad ko naman silang pinapayagan.

Sa aking paligid, may ilang mga taong nagpakita ng kanilang interes at nagnais na manligaw sa akin. Gayunpaman, sa kasalukuyan, hindi ko pa rin naiisip na pumasok sa isang seryosong relasyon. Hindi ito dahil sa kakulangan ng mga karapat-dapat na piliin, ngunit dahil sa aking mga personal na plano at mga pangarap na nais kong unahin at tuparin.

Ang aking pangunahing layunin sa ngayon ay ang makapagtapos ng aking pag-aaral. Nagnanais akong maging isang guro, isang propesyon na sa tingin ko ay magbibigay sa akin ng malaking kasiyahan at personal na kahulugan. Nais kong makapag-ambag sa lipunan sa pamamagitan ng edukasyon at makatulong sa paghubog ng mga isipan ng mga susunod na henerasyon.

Bukod sa aking pangarap na maging guro, may isa pang bagay na nais kong ipagpatuloy - ang negosyo na sinimulan ng aking pamilya. Ito ay isang proyekto na malapit sa aking puso at nais kong itaguyod at palaguin. Sa aking palagay, ito ay hindi lamang isang paraan upang mabuhay, ngunit isang paraan upang itaguyod ang aming pamilya at magsilbing halimbawa ng sipag at tiyaga.

Mayroon kaming mall dito sa Batangas at may branch na rin kami sa Cebu, Laguna, Siargao, at Palawan. Pinili namin ang mga lugar na iyon dahil kilala na rin ang aming pamilya doon.

Sa kasalukuyan, ang aking mga plano at mga pangarap ang aking mga prayoridad. Sa tamang panahon, kapag natupad ko na ang aking mga layunin, saka ko lang siguro iisipin ang posibilidad ng pagkakaroon ng isang seryosong relasyon.

Sa paningin ng iba, mukhang perpekto ang aking buhay.

Maaaring tingnan nila ito bilang isang buhay na walang problema, isang buhay na puno ng kasiyahan at tagumpay.

Ngunit sa totoo lang, hindi ko maipaliwanag ang tunay na kalagayan ng aking buhay.

Ito ay hindi dahil sa hindi ko naiintindihan, kundi dahil sa mga kumplikadong damdamin at mga hindi maipaliwanag na pangyayari na bumabalot sa aking buhay.

Ang aking nakaraan ay parang isang saradong pinto na hindi ko mabuksan. Hindi ito dahil sa kakulangan ng susi, dahil meron naman akong susi para dito.

Ang problema ay hindi ko alam kung paano gamitin ang susi na ito, o baka takot ako sa kung ano ang maaaring matuklasan ko sa kabilang panig ng pinto.

Sa kabila ng lahat, pinipilit kong tuklasin ang aking nakaraan.

Araw-araw, ginagawa kong misyon na alamin kung ano ang nasa likod ng saradong pintong ito. Aminado akong ito ay hindi madali, ngunit naniniwala akong ito ay isang mahalagang hakbang sa aking pag-unlad at pag-unawa sa aking sarili.

Ang kagandahan ng buhay ay hindi lamang nakasalalay sa kung ano ang nakikita ng iba, kundi sa kung paano natin ito iniintindi at pinahahalagahan. Kaya kahit na mukhang perpekto ang aking buhay sa paningin ng iba, patuloy akong maghahanap ng mga sagot at magtutuklas ng kung ano ang nasa likod ng saradong pinto ng aking nakaraan.

Madalas ay tinatanong ko ang aking sarili.

"Sino ang ama ko?"

"May itinatago ba sa akin ang pamilya ko?"

Kung oo, bakit hindi nila sabihin ang totoo?

Bakit kailangan pa nilang ilihim ito?

Paanong ang 'Lavaro' na last name ko ay tila kilala ng lahat?

Para itong buwan na kapag nakapiling ng mga bituin ay mas lalo silang magniningning at isang malaking karangalan na iyon para sa kanila.

...

Sa isang silid ay tila may gumising sa aking magulong pag-iisip.

Hindi ko lubos maisip na makakalimutan ko ang aking problema dahil sa kanila. Ang tatlong lalaki na hindi ko akalain na lubos akong sasaya dahil sa kanila. Iba't-iba man ang kanilang ugali ngunit masaya parin ako sapagkat binibigyan nila ako ng dahilan upang makalimutan kahit saglit ang aking problema.

Ngunit tila kakaiba ang isa sa kanila dahil mas lalong nadadagdagan ang aking problema dahil sa kanya!

Napakayabang niya!

At kahit sino ay kanyang nilalabanan...

Miski ako!

Tama bang kalabanin niya ang babae?

Tama bang mag hari-harian siya dito sa paaralan?

"Hindi ka gwapo para sabihin ko sayo! Isa ka lang bulok na labanos sa paningin ko!" Sigaw ko rito

"Hindi porke' maganda ka ay kakalabanin mo na ako!... A-alam mo bang sa tuwing nagkakasama tayo...  N-nawawala ang angas ko!" Galit na sabi ni Aaron. Siya ang lalaking mayabang na tinutukoy ko.

Nawawala ang angas ko!

Nawawala ang angas ko!

Nawawala ang angas ko!

Ano bang ibig niyang sabihin?

Nawawala ang angas?

E napakayabang parin naman niya!

Ano kayang dahilan kung bakit ko siya nakilala?

Siya kaya ang tutulong sa problema ko?

O dadagdagan niya lang ito?!

(Putek!)

---

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Plagiarism is a crime.

***
I just want to clarify that every chapter of my novel is going to include errors. So, I kindly ask for your respect and understanding.

Please check my recent post conversation/announcement on my wattpad account.

***

Published: August 26, 2023
Revision: April 4, 2023

VERACITY IN LIFE (The Untold Truth Series #1)Where stories live. Discover now