CHAPTER 51: PURSE

79 52 4
                                    

KINABUKASAN

"Ate!!!" Sigaw ni Emman sa labas ng kwarto ko at panay pa ang katok niya.

Ano bang meron?

Naghihikab pa akong tumayo at pinagbuksan siya ng pinto.

"Bakit hindi mo ako ginising?"

"Ha?"

"Late na tayo ate! Kasalanan mo ito!" galit na saad niya at panay pa ang sipa habang umaalis.

Matagal nagproseso sa isip ko ang sinabi niya at halos magulat ako ng maalala ko na mayroon nga pala kaming pasok ngayon.

Dali dali kong dinampot ang cellphone ko upang tingnan ang oras.

"7:00am na!!!" Gulat na saad ko at napatakip pa ako sa bibig ko.

Late na!!!

Bakit hindi ako nagising agad?!

Bakit walang gumising sa akin???

Hindi ako sanay na magising ng maaga kapag meron akong period.

Ano nang gagawin ko???

Mabilis kong kinuha ang tuwalya at naligo na, halos ilang minuto lang akong nagtagal sa banyo bago nagbihis ng uniform.

"Emman, tara na!" Sigaw ko sa kanya habang bumababa ng hagdan.

Nakita ko naman siyang tarantang taranta habang nagsusuot ng sapatos niya.

"Papasok ba kayo? Bakit hindi ka muna magsuklay?" Pagtatanong sa akin ni Ate habang paakyat sa kwarto niya.

"Wala na akong oras para magpaganda pa"

"Ah, halata naman. Kawawang kapatid" saad niya, humakbang pa ito pataas bago bumaba ulit.

"Nga pala ginamit ko kagabi yung kotse mo tapos nakita ko ito" saad niya at inabot sa akin ang wallet na hugis puso at may nakasulat pang 'puso' na word sa harap at likod nito.

"Kanino ito?"

"Baka dun sa sakay mo kagabi... Sige na, umalis na kayo. Late na kayo" saad niya at tuluyan nang umakyat sa kwarto niya.

Sa sakay ko kagabi?
.
.
.

Kay Radish?

Binuksan ko ang wallet at nakita ko doon ang mga school Id niya.

May tatlong ID dun mula sa iba't-ibang school na pinagmulan niya at ang nakakatawa pa dito ay may ID picture siya na pilit ngumiti (picture niya ito noong elementary pa siya), may isa namang nagulat ang reaksyon niya (picture niya ito noong highschool pa siya), at ang ID picture niya ngayon (parang normal lang na nakatingin sa cameraman).

"Ate! Mamaya mo na yan titigan" inis na saad sa akin ni Emman, mabilis ko naman siyang nilapitan at binatukan.

May balak pa sana siyang gumanti sa akin ng hawakan ko ang kamay niya at pilipitin ito patalikod.

"Arayyy ko" daing niya.

"Ganyan ako kapag bad mood" saad ko at binitawan na ang kamay niya.

"Akala mo siya lang ang bad mood eh. Ako rin naman!" Saad niya at pabagsak na sumakay sa kotse.

Hawak hawak pa nito ang kamay na pinilipit ko kanina. "Nga pala, kaninong wallet ito ate?" Pagtatanong niya at kinuha ang wallet na hawak ko.

"Kay Aaron" maikling saad ko at pinaandar na ang kotse.

"Bakit ganito ang wallet niya? Tsk" pinagmasdan nito ang labas ng wallet bago binuksan. "Oh, bakit nandidito ang ID niya? Baka hindi siya makapasok" nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya.

VERACITY IN LIFE (The Untold Truth Series #1)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu