CHAPTER 84: NANI

93 51 2
                                    

AARON POVS

"Tol, tulungan mo ako"

Kasalukuyan akong nagrereview para sa finals namin ng tumawag sa akin si Chester, mukhang nakainom siya.

"Anong problema? Anong nangyari?"

"Si Jamaica kasi..." Hindi niya maituloy ang sasabihin niya.

Bakit niya nabanggit si Jamaica?

Nagka asaran na naman ba sila?

Magsasalita na sana ako ng magulat ako sa sunod na sinabi niya.

"We kissed"

"Ano?!"

"Nag kiss nga kami!"

"Bakit? Saan? Paano nangyari?"

"Nasa rooftop ko siya kanina, sigaw nang sigaw, tapos nagkausap kami dahil may family problem siya"

"Oh tapos? Paano kayo nag kiss? Hinalikan mo bigla?"

"Hindi pre! Natumba kami pareho tapos ayun, aksidenteng nag kiss kami"

"Ano? Paanong aksidenteng nagkiss kayo e kung natumba lang naman kayo"

"Hinalikan ko siya!"

"Yown e d hinalikan mo nga---Wait, ano? Hinalikan mo? Bakit mo hinalikan?" Kung magkasama kaming dalawa ay baka nagbugbog ko na siya.

"Nandun na e"

"Lintek ka! Hindi dapat basta basta humahalik sa isang babae! Dapat tanungin mo muna siya"

"Tss, akala mo siya ay nagtatanong muna e"

"Sa noo lang ako humahalik sa kanya! showing of respect"

"Ganun na rin yun"

"Tss ewan ko sa inyo, bahala kayo mag-usap bukas"

"Tol naman, hindi ko siya kayang harapin"

"Nagawa mong halikan tapos natatakot kang makita siya?"

"E syempre tol, baka masuntok ako nun"

"Dapat nga e kanina ka niya sinuntok ng matauhan ka... Magkaaminin nga tayo... may gusto ka ba sa kanya?"

Siguradong meron dahil hindi siya manghahalik sa isang babae kung wala.

"Konti lang"

"Anong konti lang?... Hindi mo ba nararamdaman na parang sasabog ang puso mo kapag nakita mo siya?"

Napangiti ako, iyon kasi ang pakiramdaman ko sa tuwing makikita ko si Iya.

VERACITY IN LIFE (The Untold Truth Series #1)Where stories live. Discover now