CHAPTER 22: HARDSHIP

109 59 14
                                    

Matapos ang ilang minuto ng aming paglalakbay, nakarating kami sa isang bahay na matatagpuan malapit sa gilid ng daan. Ang lugar na ito ay mayroong tatlong bahay na magkakatabi, na kung saan ay napapaligiran ng sari-saring mga puno. Ang mga puno na ito ay nagbibigay ng natural na anino at kagandahan sa lugar.

Sa kasamaang palad, ang lahat ng mga bahay sa lugar na ito ay walang ilaw. Ang mga ito ay tila mga natutulog na higante sa gitna ng kadiliman. Ang tanging liwanag na nagbibigay ng kaliwanagan sa daan ay ang ilaw mula sa mga poste ng kuryente. Ang mga ilaw na ito ay parang mga bituin na nagbibigay ng gabay sa aming daan sa gitna ng dilim.

"Ano bang nangyari kay Yesha ate? Tulog na naman yata sila eh." Nagtatakang tanong ni Emman pagkababa niya sa kotse.

Hindi ko siya sinagot at naglakad na papunta sa bahay na nasa pinakaunahan, sigurado akong ito ang bahay nina Yesha dahil dito nakatingin si Emman kanina pa.

Nang makarating sa bahay ay agad na akong nagdoorbell ngunit walang lumalabas na tao.

"Ate, bukas oh!" Saad ni Emman ng makitang nakakawang ang gate.

Agad ko naman siyang nilapitan at sinenyasan na pumasok na kami.

Pagkarating sa loob ay agad kong hinanap ang switch ng ilaw. Mabilis ko naman itong natagpuan dahil nasa tabi lamang ito ng pinto.

Pagkabukas ko ng ilaw ay agad bumungad sa akin ang malinis na paligid ngunit may ilang damit na naroon lang sa kung saan.

Hindi ko na iyon pinagkaabalahan pang alamin kung kanino at nagpunta na lamang ako sa salas.

Laking gulat ko ng makitang nakahiga si Aaron sa may sahig.

"Radish!" Gulat na saad ko.

"Bayaw!" Saad ni Emman na agad nilapitan si Aaron.

Parang may biglang humigpit sa aking mga paa, tila ba hindi ko na ito magalaw.

Naramdaman ko ang bigat ng aking katawan, at tila nagiging imposible na ang paghakbang patungo sa kinaroroonan ni Aaron.

Si Aaron ay nakahandusay sa sahig, na tila ba isang natutulog na anghel na nawalan na ng lakas.

Ang mga dugong nagkalat sa sahig ay nagbibigay ng malungkot na kahulugan sa kanyang kalagayan. Ang mga ito ay parang mga pulang rosas na nagkalat na nagbibigay babala sa lahat ng makakakita.

Sa malapit na pwesto kung nasaan siya, mayroon ding mga bubog na tila nagpapahiwatig ng isang hindi magandang pangyayari.

Ang mga bubog na ito ay parang mga bituing nagkalat sa sahig, na nagbibigay ng babala sa bawat hakbang na gagawin ko patungo sa kanya.

"Kuya Aaron! Gising!" Saad ni Emman habang tinatapik-tapik ang mukha nito.

Nakakaramdam ako ng labis na pag-aatubili na lumapit sa kanya, ngunit hindi ko rin matiis na makitang nasa ganyang kalagayan siya.

Sa kabila ng aking takot, pinilit ko ang aking sarili na magpatuloy.

Agad akong lumapit at dahan-dahang kinapa ang kanyang leeg, naghanap ng anumang palatandaan ng buhay.

Sa wakas, nadama ko ang kanyang pulso - mahina ngunit tiyak.

Napahinga ako nang maluwag, ngunit hindi pa rin nawawala ang aking pangamba.

Ang aking mga mata ay hindi maaaring magkunwaring bulag sa mga nakikita - ang mga dugo at bubog na kalat-kalat sa paligid.

Nakakabahala ito, nagdudulot ng takot sa aking puso.

Sa kabila ng lahat, kinakailangan kong manatiling matatag at magpatuloy. Ang bawat segundo ay mahalaga at hindi ko maaring sayangin ang oras sa pagkabahala.

VERACITY IN LIFE (The Untold Truth Series #1)Onde histórias criam vida. Descubra agora