CHAPTER 10: CARE

219 175 5
                                    

KINABUKASAN...

Bago pumasok sa school ay dumaan muna ako mall dahil may ibinilin sa akin si ate Siera. Madaling araw pa lang kasi ay nasa mall na siya dahil may kailangan siyang iinspect na mga product.

"Oh!" Abot ko sa kanya nang kanyang isang maliit na bag. May laman iyong mga ID at naroroon din ang kanyang atm card.

"Nakalimutan ito pero ang cellphone hindi!" Saad ko at masamang tumingin sa kanya. Napa-aga tuloy ang gising ko dahil sa kanya.

"Nagmamadali kasi ako kanina." Saad niya at niyakap ako.

"Sorry na baby. Babawi si ate." Dagdag niya pa.

"Babawi ka d'yan! Pang ilang beses mo na iyang sinabi ate." Nagtatampong sabi ko.

Lagi naman siyang ganyan. Sasabihin na babawi pero hindi naman talaga. Parang ako na nga ang panganay sa aming dalawa eh.

"Babawi na talaga ako. What do you want?" Nakangiting tanong niya. Nang marinig ko iyon ay tila nagliwanag ang aking paligid.

"10k." Mabilis na saad ko. Nanlaki naman ang mata niya sa sinabi ko. Kokonti na kasi ang pera ko dahil napakarami kong nagastos kahapon.

"W-what?" Hindi makapaniwalang tanong niya.

"Akala ko ba babawi ka? 10k lang naman 'yun ah!"

"Ibigay mo na kasi ate," pagsingit ni Emman, nakaupo ito sa swivel chair habang nanonood ng tiktok.

"Tapos bigyan mo din ako." Dagdag niya pa at saka kumindat.

"What the? 10k lang? Lang?" May diing sabi ni ate, naiinis na.

"Good morning my babies, what's going on?" Tanong ni mommy, kararating lang nila galing sa isang business meeting.

Agad naman akong nagbeso at nagmano kayna mommy at daddy.

"Dad, si ate oh. Ayaw akong bigyan ng 10k," itinuro ko pa si ate. "Ang aga-aga kaya ng gising ko dahil sa bag na nakalimutan niya. 3am dad ay gising na ako, kulang pa ang tulog ko dad." Saad ko kay daddy, parang batang nagsusumbong.

"Ok. Ok, I'll give you 20k." Nakangiting saad ni daddy.

Niyakap ko naman siya dahil sa napakagandang balitang narinig ko. Nakita ko naman na nagme-make face si ate Siera.

"Thank you dad! I love you. I love you so much." Sunod sunod na sabi ko habang niyayakap siya nang mahigpit.

"I'll give you 20k also." Nagulat ako sa sinabi ni mommy.

"Totoo ba mommy?" Tanong ko sa kanya at mabilis siyang niyakap. Tumango siya sa akin kaya't mas hinigpitan ko ang yakap sa kanya.

Sa buong buhay ko ay hanggang 5k pa lang ang nahahawakan kong pera dahil 'yun lang ang ibinibigay nina mommy at daddy sa akin... Pero ngayon ay may 40k na ako!!

"Thank you mommy. I love you."

"I love you too, baby." Saad niya at mas humigpit ang yakap sa akin.

"Nandidito ako oh!" Nagtatampong saad ni Emman.

Agad siyang nilapitan ni daddy.

"Nagtatampo ka naman agad. Both of you will receive 40k. Ok?" Mabilis namang tumango si Emman.

VERACITY IN LIFE (The Untold Truth Series #1)Where stories live. Discover now