CHAPTER 40: COLD

88 51 4
                                    

AARON POV'S

(Oh mga ka-WiRe, wag masyadong excited sa mangyayari ah. Pati ako nadadamay hihi <3 )

"Kuya! Gising na nga!" Rinig kong sigaw ni Yesha.

Pagmulat ko ng mata ay agad na bumungad sa harapan ko ang galit na mukha niya.

"Ano bang oras ka natulog at tanghali na ay hindi ka pa nabangon!" Sermon niya sa akin.

Nagtakip ako ng unan upang hindi na marinig kung ano mang sasabihin niya.

Bigla akong napaisip sa tanong niya...

Ano nga bang oras ako natulog?

8pm ba? 9pm?...

Ay wait, Ano nga bang mga ginawa ko kahapon?...

Naglaba lang ako ng kaunti diba? tapos ay nag cellphone...

Tapos ay...

"Ayy put*" mabilis akong napabangon sa hinihigaan ko ng may maalala akong maling ginawa ko.

Nakausap ko nga pala si Iya kahapon at napa amin ako sa kanya!!!

Pero narinig niya ba yun?...

"Wag mo nga akong murahin kuya!" Galit paring saad ni Yesha.

Napatingin ako sa kanya at ngayon ko lang napansin na nakasuot na pala siya ng school uniform.

"Anong oras na ba?"

"5:30am na kuya. Hindi ka naman siguro papasok noh!"

"Ano??? 5:30 na? Agad?"

Alas 2 na ng madaling araw ako nakatulog dahil sa sobrang pag-iisip tungkol sa nangyari kagabi tapos ilang oras pa lang pala ang tulog ko!

"Aalis na ako kuya, sasabihin ko na lang kay ate Iya na hindi ka papasok da---"

"Wag!"

"Ano?"

"Papasok ako"

"E tanghali na ah"

"Basta, papasok ako"

"Sure ka"

"Uo!"

"Sige. Ayusin mo ang sarili mo ah" natatawa niyang saad bago lumabas ng kwarto ko.

Ano namang nakakatawa sa sarili ko???

Napatingin ako sa salamin at nakita kong sobrang gulo ng buhok ko at may eye bags pa ako! Hyst!

Bakit ngayon pa?

Paano ko kakausapin si Iya sa nangyari kung ganito naman ang itsura ko???

Hindi na ba ako ang the cutiest man in the world?

Wala sanang pumalit. Huhu

"Kuyaaaa! Bilisan mo naaaa!" Sigaw ni Yesha mula sa baba.

Mabilisan na akong naligo at nag ayos ng sarili pero yung eye bags ko ay nandito parin!

"Iya naman, bakit mo ba ako ginaganito?" Pagtatanong ko habang nakaharap sa salamin.

Sobra-sobra na yung ginawa mo sa akin Iya. Huhu!

Hindi ko na tuloy alam kung paano pa ako haharap sayo mamaya!

"Suotin mo ito!" Saad ni Yesha at inabot niya sa akin ang sunglasses bago sumakay ng kotse.

VERACITY IN LIFE (The Untold Truth Series #1)Where stories live. Discover now