CHAPTER 85: FINALE

143 52 1
                                    

IYA POV'S

"Ayos naman maging single, ang akin laang huwag naman sanang garne na laang ng garne." Rinig kong saad ni Sophie habang may inaayos sa lamesa.

Kasalukuyan kaming narito ngayon sa Palawan at ito ang plano namin noon na mag-o-overnight, natuloy din hehe.

Ito ay treat na rin namin sa aming sarili dahil nakapasa kami sa finals exam namin at nakuha namin ang overall champion sa naganap na intramurals, at hawak ng department namin ang title ng Mr. and Ms. BMU.

"Okay naman ang maging single di'ba?" Natatawang tanong ko sa kanya.

"Okay sa'yo dahil may nanliligaw sa'yo. Manghahaltak ako ng lalaki dine mamaya at ako na ang manliligaw." Masigang sabi niya.

"Haha mas mabuti pa 'yun, para may kayakap ka kahit tirik ang araw." Biro ko.

"Tss ewan ko sa'yo... nasaan na ba ang mga kasama natin?" Nagpalinga-linga siya sa labas.

Naroon si Akesha sa tabi ng puno, nagsa-sun bathing, sina Chester at Jamomo naman ay magkasamang kumakain roon sa kubo. Ilang linggo na rin kasi ang lumipas kaya't para silang magnet na magkasama palagi. Hinanap ng mata ko si Aaron pero hindi ko siya makita.

Nasan na ba 'yun?

Nakakainis siya dahil ilang araw na din ang lumipas na tanging update lang ang mine-message niya sa akin, ni hindi niya ako kinakamusta o nagtatanong kung kumain na ba ako.

Ano bang pinagkakaabalahan niya sa buhay?

Sobrang busy ba niya kaya hindi na niya magawang kamustahin ang nililigawan niya?

Noong nakalipas na araw ay nagpunta siya sa bahay para magdala ng napkin kasi palagi daw akong galit. Noong isang araw naman ay dinalhan niya ako ng sampung Selecta ice cream na nakalagay sa solo pack na ang flavor ay cookies and cream dahil lagi raw mainit ang ulo ko.

Lintek siya!

Lagot talaga siya sa akin kapag nakita ko siya!

Halos malaglag ang mata ko nang bigla kong makita si Aaron na nakasuot ng short lamang at basang-basa ang buhok nito na halatang kagagaling lang sa dagat.

Grabe!

Ang ganda ng katawan niya!

'Yung 6 pack abs niya ang halos magpabilog sa mata ko.

Paano niya na-maintain ang ganitong katawan?

Ang gwapo niya sobraaaa!

Ako yata ang malalagot ngayon!

"Mahal ko," lumapit ito sa akin at hinalikan ako sa noo.

Nakatulala pa rin ako na nakatingin sa mala-paraiso niyang katawan.

"Sorry ah, pagkarating ko rito ay naligo na agad ako. Dapat sinabi ko muna sa'yo."

VERACITY IN LIFE (The Untold Truth Series #1)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu