CHAPTER 48: BLUE KISS

99 54 4
                                    

AN: You can watch this YouTube video to feel the song. Thank you.

To the owner of this video, i would like to have an permission to use it for my readers (bibliophiles babies) thankyou! 。⁠◕⁠‿⁠◕⁠。

AARON POV'S

Pagkatapos ng parade ay agad na kaming dumiretso sa swimming pool area dahil doon gaganapin ang event.

Talaga namang napakaganda rito dahil mayroon itong mini stage, mga maliliit na puno na bumagay sa lugar, cute na lights, at mga pagkain na masasarap.

"Kumain muna kayo." Pag-aalok ni Iya sa amin.

Napatingin ako sa kanya.

Kahit na nakakaranas siya ngayon ng uncomportable days ay mababakas parin sa kanya ang kasiyahan na walang halong inggit at pilit.

Hyst. Nakakainis ka naman evol e.

Bakit ganyan ka?

Mas lalo tuloy akong naiinlove sa kanya.

"Sobrang ganda ba niya?" Pagpansin sa akin ni Mycko habang kumakain ng crackers.

"Oo naman."

"Ligawan ko kaya." Inis akong napatingin sa kanya at agad na hinawakan sa kwelyo.

"Ligawan ka ng kamao ko, gusto mo?" Mariing saad ko.

Hindi magandang biro ang sinabi niya lalo pa't tungkol ito sa panliligaw kay Iya. Kung may balak man siyang manligaw e sa iba na lang. Nahihirapan na nga akong dumiskarte ngayon tapos dadagdag pa siya sa problema ko. Tss!

"Easy lang. Biro lang naman e." Seryosong saad niya.

"Anong nangyayari d'yan?" Pagtatanong ni Beejay, binitawan ko na si Mycko sa kwelyo at umayos na lang nang upo.

Ayokong magkaroon ng gulo lalo pa't naririto ako sa lugar nina Iya.

"Pasensya na tol. Biro lang 'yung sinabi ko kanina. Alam ko naman na ikaw ang the cutiest man in the world e." Natatawang sabi ni Mycko.

Famous line ka 'yan ah. Talaga palang famous na, haha.

"Umalis na nga lang kayo. Nawala bigla ang maganda kong mood dahil sa inyo." Asar na pagpapaalis ko sa kanila.

"Hindi ako kasali ah." Pagpapaalala ni Beejay.

"Nasaan nga pala si Chester at Ashton? Kanina pa silang wala rito ah. Hindi niyo ba sila sinabihan na pumunta?" Pagtatanong ni Akesha na kararating lang na may dalang gayat gayat na prutas. Inilagay niya ito sa may mesa namin.

"Ang alam ko ay hindi sila makakapunta. Kilala niyo naman ang magkapatid na 'yun. Busy na sila sa kanila-kanilang business." Saad ni Beejay na siguradong-sigurado sa sinabi niya.

"Oo nga pala pero masyado naman yata silang nagpapayaman." Saad ni Mycko at napaisip sa sinabi niya.

Bakit nga kaya wala ang dalawang iyon? Nag-invite naman si Iya sa group chat namin at nabasa iyon ng lahat.

"Good day sa inyong lahat!" Pagbati ng mommy ni Iya. "Ang araw na ito ang isa sa pinakamasaya dahil ipinagdiriwang natin ang Parada ng Lechon (roasted pig parade) a festival that held annually every 24th of June, the feast day of San Juan (Saint John the Baptist)... At gusto ko pang maging mas masaya kayo kaya't inihanda ko ang lugar na ito para sa mga mahilig magswimming. Libreng-libre ito para sa inyong lahat. Ayos ba 'yun?!" Masayang sigaw niya.

VERACITY IN LIFE (The Untold Truth Series #1)Where stories live. Discover now