CHAPTER 49: FAMILY PLANNING

86 52 6
                                    

IYA POV'S

"Aah, kainaman naman siyang sumayaw!" Saad ni Sophie habang sumasayaw sa stage si Aaron.

Pinakiusapan raw siya ni mommy na mag perform ngayon at wala namang katanggi tanggi ang loko.

Sobra ito sa pagsayaw sa stage at aaminin kong malakas ang dating niya. Dumagdag pa rito ang basa na niyang katawan dahil sa nangyari kaninang parade.

"Take off your clothes, baby!" Sigaw ng isang babae.

Nagulat ako at mas lalong napatitig sa kanya.

Inumpisahan na niyang hawakan ang lower part ng damit niya!

Totoo bang maghuhubad siya?

Tumingin siya sa akin habang ginagawa niya iyon at panay parin ang sayaw niya.

Naghand sign ako na "huwag mong ituloy"

Binaba niya ang kamay niya at nag hand sign na "wala kang pakialam"

Tumayo ako para ipakita sa kanya na tatanggalin ko ang suot ko kapag nagtanggal siya ng damit.

Sinamaan niya ako ng tingin at nag hand sign na "go! I don't care about your body!"

Hyst! Pinapainit niya talaga ang ulo ko. Ni wala man lang siyang pakialam sa akin!

Pabagsak akong naupo at inis na tumingin sa paligid.

"Ano yung ganun-ganun?" Curios na tanong ni Jamaica habang ginagawa niya yung mga hand sign na ginawa namin kanina.

"Nagkaka intindihin kayo?" Tanong ni Akesha.

"Nakakainis! Wala ba siyang pakialam sa akin!" Hindi ko sinagot ang tanong nila.

Talaga bang maghuhubad siya?

Bakit niya gagawin yun sa maraming tao?

Nababaliw na ba siya?

Muli akong tumingin kay Aaron na sumasayaw parin sa stage.

Nag hand sign siya na "huwag mong tanggalin ang suot mo. Hindi ako nagtanggal ng damit para sayo. Humanda ka sa akin mamaya"

Tsk! Ikaw ang humanda sa akin mamaya Aaron!

Hindi mo na ako pinapahalagahan sa buhay mo!

Parang ang OA ko naman yata noh?

Makalipas ang ilang oras ay natapos na ang pagsayaw niya.

Hayyy! Mabuti naman dahil hindi ko na siya kayang tingnan. Pakiramdam ko kasi ay nag iinit ako dahil sa tindi ng tingin niya sa akin.

Yung bang parang nilalagyan niya ng apoy ang buong paligid ko at hahayaan niya lang akong mawala, ni wala siyang pakialam sa akin kahit sabihin kong kailangan ko ng tulong ng isang the cutiest man in the world.

Alas 6 na nang hapon ng magpasya ang mga kaibigan namin na magkaroon ng kaunting inuman sa may rooftop.

"Ako na ang magdadala niyan" saad sa akin ni Kyler.

"Ako na!" Mabilis na pagsingit ni Aaron at agad na kinuha sa akin ang dala kong mga beer.

Hindi ko siya pinansin at kinausap na lang si Kyler.

"Nga pala, nasaan ang yaya mo? Umalis na ba siya?"

"Oo, kanina pa siya umalis e. Marami pa raw siyang gagawin sa bahay namin"

VERACITY IN LIFE (The Untold Truth Series #1)Where stories live. Discover now