CHAPTER 80: THE CORONATION NIGHT

103 51 1
                                    

Pagkapasok ko pa lang sa school ay rinig na rinig na agad ang ingay na nanggagaling sa gymnasium.

"GO EDUC!"

"BSBA FOR THE WIN!"

"SA CRIM ANG GABING ITO!"

"BSIT, GO! GO! "

"KYAAAAAA, BSCE NAAAAA"

"BSMT ANG MANANALO!"

Marami na ring nag-go-good luck sa akin, nakikipagkilala, at nagpapa-picture sa akin. Tumuloy na ako sa room kung saan naroon din ang mga iba ko pang kasamahan na representative.

Pagpasok ni Aaron sa room ay halos mapatulala ako sa kanya dahil... sobrang gwapo niya. Tulog lang siya kanina sa sofa namin e tapos paggising niya ganyan na siya!...

Ngayon ko lang napatunayan na totoo ang palagi niyang sinasabi na siya ang 'the cutiest man in the world'.

Ang gwapo niya sa suot niyang short sleeve polo shirt na color white at black plants habang ang buhok niya ay nakaayos ng mid Fade with a Longer Wavy Top, mas lalo pa itong gumwapo nang ngumiti ito sa akin.

"Pictueran mo na lang ako kaysa sa titigan mo ako." Nakangising saad niya.

Napaiwas na lang ako ng tingin. Totoong gwapo ang magiging future ko! Taena, haha.

"Nga pala, malapit na raw magsimula ang event. So, get ready!" Pumalakpak pa siya.

"Nandito ka ba para sa'kin? Yieee!"

Napatingin ako sa babaeng nagsalita, representative siya ng BSBA department.

"Tss, feelingera!" Bulong ko.

Narinig kong tumawa nang mahina si Aaron.

"Syempre naman," nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at agad siyang tiningnan na parang sinasabi na 'akala ko ako lang'. "Nandito ako para sa'yo." Dagdag niya at mabilis akong hinalikan sa noo.

Sa halip na mainis ang mga kasamahan kong babae ay nagsitilian pa sila.

"Yieeee! Wala na, finish na." Saad ng
BSIT representative.

"Bye, mahal ko. See you later." nag-flying pa si Aaron bago lumabas.

Tss, kikiligin na ba ako dahil sa pinapakita niya?... Huwag muna ngayon, reserved ko muna, hehe. Napatawa ako sa iniisip ko.

Dami ko talagang alam! Kaya ako nag-Educ e! HAHA.

Makalipas ang ilang oras ay halos tapos na kaming mag-ayos ng mga kasamahan ko, sakto namang magsisimula na ang event kaya't pumunta na kami sa backstage. Palinga-linga ako sa mga boys representative pero hindi ko makita si Aaron.

Nasaan na ang Radish na 'yun?

Magsisimula na ah!

VERACITY IN LIFE (The Untold Truth Series #1)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang