CHAPTER 38: ANNOYING BROTHER

93 52 1
                                    

SOPHIE POV'S

KINABUKASAN

Kababangon ko lang at agad na bumungad sa harapan ko si Kuya Kalix na bihis na bihis. Nakasuot ito ng white polo shirt at black pants na talagang bumagay sa kanya.

"Kainamang aga mo naman ngayon kuya" saad ko kay kuya ng makita ko itong bihis na bihis.

Napatingin pa ako sa orasan at nakita kong 4:30 pa lamang ng umaga

Saan naman kaya ang lakad ng lalaksot sa a're?

"Samahan mo ako ngayong umaga ah" nakangiting sabi niya sa akin.

"Ano? Bakit? Saan naman ang punta mo? Diga'y may pasok ako" sunod sunod na sabi ko.

"Kaya nga" maiksing saad niya.

Binigyan niya ako ng mahiwagang ngiti at saka pumasok sa kwarto.

Anong ibig niyang sabihin?

Agang aga e kung ano anong pinagsasabi?

"Kuya, buksan mo nga a're. Hindi ko maintindihan ang mga pinagsasabi mo" saad ko at pilit na binubuksan ang pinto pero naka lock ito.

"Kumain ka na lang bunso, may pagkain na dyan" sigaw ni kuya mula sa loob.

Pailing iling akong naglakad at kumain na lang.

"Ineng, may jowa ba iyang kuya mo?" Biglang tanong sa akin ni tatay.

"Bakit ho?"

"Ay naku, ang aga ni yang nagising. Ala dos pa lang e mulaga na. Nakatutok sa cellphone niya't pangiti ngiti pa"

"Baka naman ho may ka chat lang"

"Aba'y aywan ko. Nakatingin lang sa cellphone niya eh. May ka chat ba pag ganun?"

"Nakatingin lang? Yung nakatitig lang?"

"Uo. Gay'on nga ineng. Ay siya. Aalis muna ako't mangungumpay muna. May kumpayan daw dina sa mga kuya Pedring. Baka maubusan pa ng kuwan"

"Kumain ho muna kayo"

"Mamaya na laang pagbalik, maraming kuwan e"

"Sige ho. Ingat ho kayo" saad ko at muling naupo at kumain.

Muli akong napaisip sa kung anong pinagsasabi ni Kuya kalix kanina.

Dapat ba akong mamroblema dahil baka nga may girlfriend na si kuya?

Pero malaki na naman siya e, kaya na niyang bumuhay ng pamilya.

Natutustusan na niya ang pangangailangan namin at napag-aral niya pa ako sa pinakamalaking school, sa BMU.

Naalala ko tuloy noong dalawang linggo na akong nag-aaral dito sa BMU.

FLASHBACK

"Mag-aaral ka ng mabuti ah" pagpapa alala ni kuya bago ako pumasok sa school.

Katulad ng unang tapak ko sa school na ito ay talaga namang hanggang ngayon ay napupuno parin ng kaba ang puso ko.

Huminga ako ng malalim bago nagpatuloy sa paglalakad. Muli akong napalingon kay kuya at nakita ko itong nakangiting tumingin sa akin at kumakaway.

Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwalang nag-aaral ako sa pinakamalaki at pinakasikat na school na ito. Hindi ko alam ang dahilan ni kuya at dito niya ako pinag aral, hindi naman siya dati dito nag-aaral at sa isang public school lang siya nakapagtapos ng kursong Accountancy pero paano niya nagagawang pag-aralin ako dito gayong hindi pa naman sapat ang pera niya para sa tuition fee ko?

VERACITY IN LIFE (The Untold Truth Series #1)Where stories live. Discover now