EPILOGUE

145 50 3
                                    

Lumipas ang isang taon na napakarami kong nalaman sa nalaman sa buhay ko pati na rin kayna Aaron.

Nalaman ko na magkaibigan pala dati sina Aaron, Kyler, at Cliere pero nagkahiwalay hiwalay rin sila dahil nagkagusto si Cliere kay Aaron habang si Kyler naman ay may gusto kay Cliere. Isa rin sa dahilan nang paghihiwalay nila ay ang pagche-cheat ni Cliere.

Sa bandang huli, palagi na lang talo si Kyler. Palagi na lang siyang naiiwang talunan, nagagawa niya namang lumaban pero kahit anong gawin niya talo parin siya. 'Sa una palang ay talo na siya' iyon ang sinabi noon dati ni Aaron e.

Ngayon lang din namin nalaman ni Aaron na may half American pala siya. Kaya pala maputi siya at may accent kapag nagsasalita ng english pero pure Filipino ang gusto niyang salita. Hindi pala niya totoong ama ang nakasama niya noon.

Sinubukan naming magtanong tanong tungkol sa ama niya pero walang nakapagsabi sa amin ng kahit anong information tungkol doon kayat minabuti na lang namin na huminto na sa paghahanap at magfocus na lang sa bago niyang pamilya.

"Wifey, let's go" nagmamadaling saad ni Aaron.

Magkasama kami sa iisang bahay ni Aaron pero hindi ko masasabing mag live in na kami dahil magkaiba naman kami ng tinutulugan na kwarto.

Papunta kami ngayon sa doctor upang magpa therapy, ilang buwan ko na rin itong ginagawa upang hindi na sumakit ang ulo ko.

Sa tuwing sumasakit kasi ang ulo ko ay may naaalala akong aksidente kayat sinasabi na nilang nagkaroon ako ng amnesia dahil sa aksidenteng iyon.

"Last na therapy mo na toh wifey" masayang saad niya pero mababakas naman ang lungkot sa mga mata niya.

"Dont worry hubby, ill be fine. Palagi mong isipin na babalik akong natibok ang puso"

"Yan na naman ang palagi mong sinasabi. Hindi ko naman maiwasan na hindi mag-alala sayo e"

"I love you ok, sayong sayo lang ako hubby ko"

"Paano kapag bumalik ka sa ex mo?"

"Babalik lang ako sa kanya para magpasalamat sa ginawa niya sakin pero sayo parin ako magtatagal hubby ko... Hindi na importante kung sino ang nauna at ang dati, basta ikaw na ang ngayon, at ikaw lang palagi... Diba sayo lang ako?"

"Oo naman"

"Yan, i love you... Pagkatapos ng therapy ko, magpakasal na tayo ah" pambibiro ko sa kanya.

"Magbiro ka lang, tutuparin ko"

"Tss, gusto mo na talaga ah"

"Syempre naman, para magalaw na natin ang kama" bulong niya, napaka pilyo talaga.

"Sige lang, gawin na natin" saad ko at saka tumakbo.

"Wifey naman e, huwag ka ngang mabiro ng ganyan, tutuparin ko talaga yan" rinig kong sigaw niya.

Pagkarating namin sa ospital ay marami pa siyang binibilin sa akin pero paulit ulit niyang sinasabi na siya lang ang mahahalin ko, nagbilin rin siya na habang tulog raw ako ay sasamahan niya ako, sinabi kasi ni doc na makakatulog ako ng halos isang araw e.

"I love you wifey, susundin ko lahat ng gusto mo, aalayan kita na isang reyna sa buhay ko basta ako lang ang mahalin mo ah"

"Oo naman. I love you hubby. My feelings will never change for you no matter what happened ok?"

"Hmm... I love you always my wifey. See you tommorrow" saad niya at hinalikan ako sa labi, gumanti ako nang halik sa kanya at halos tumagal iyon ng ilang minuto.

VERACITY IN LIFE (The Untold Truth Series #1)Where stories live. Discover now