CHAPTER 43: ILLUSTRATION

90 52 4
                                    

IYA POV'S

Tila lumipas ang isang taon para sa akin na isang araw lang naman, actually hindi pa nga tapos ang araw na ito pero gusto ko ng tapusin agad at kalimutan ang mga nangyari sa akin nitong mga nagdaang araw.

Sobrang wala akong gana pumasok kanina dahil sa nangyari kagabi pero anong magagawa ko, e umaga na ay hindi pa ako natutulog.

Idagdag mo pa rito na pumunta sina Stephanie at ang kuya niya para ihatid ako sa school dahil gusto nilang bumawi sa ginawa ko noong nakaraan.

Hindi na naman nila kailangan gawin iyon pero mapilit sila kaya't napapayag nila ako.

Lumipas din ang maraming oras na wala akong gana makipag-usap kay Aaron.

Hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanya ang mga gusto kong sabihin at gustong itanong sa kanya kaya't patago na lang akong nagsulat at nagdrawing kanina habang katabi ko siya.

Nagdrawing ako ng isang cute na aso na nakasuot ng sunglasses at humihingi ng sorry habang may isa pang pinakacute na aso na nakasuot rin ng sunglasses na nagsasabing

"Sorry din, hindi ko alam kung paano kita kakausapin pero gusto kong itanong sa'yo kung totoo ba iyong sinabi mo kagabi?"

Muli akong nagdrawing ng aso na nagtanggal ng sunglasses na suot niya habang ang mga mata nito ay may eye bags na tanda na talagang napuyat siya dahil sa kakaisip.

Muli itong nagsabi na "Gusto kong magsorry sa'yo, about kagabi."

"Bakit naman?... I mean, wala ka namang kasalanan... Sinabi mo lang ang nararamdaman mo... Pero hindi ko talaga alam ang sasabihin at isasagot ko sa'yo, kung exam na ito ay nakahanda akong tanggapin na hindi ako pasado dahil ayokong mawala 'yung closeness na nabuo natin sa isa't-isa... Sa mga oras na may sakit ako ay inalagaan mo ako, gano'n din naman ako sa'yo. Naranasan ko rin na bumili ng cellphone para sa ibang tao, sabihing tumatae ako ng walang kahiya-hiya dahil ayokong makipag-usap, madaling magalit, at tawaging 'evol' na kabaligtaran ng 'love' kahit hindi pa naman ako in a relationship." Sagot ng pinakacute na aso habang nakasuot parin ito ng sunglasses pero hindi ito makatingin sa isang aso dahil nahihiya ito sa sinasabi niya.

Sa ibang page ng papel ay muli akong nagdrawing ng aso na nasa cafeteria siya kasama ang pinakacute na aso at ang mga kaibigan nito.

"E-evol sorry ulit." Sabi ng aso at umalis na para lumipat ng upuan sa tabi ng kapatid niya.

Hindi nakasagot ang pinakacute na aso dahil hindi parin nito alam ang sasabihin niya.

Nakatingin lang ito sa kanya na masayang kumakain kasama ang mga kaibigan niya.

Bakit kasi nangyari pa 'yung kagabi? Hirap na hirap tuloy ako!

Narito kami ngayon sa isang coffee shop dahil inaya ako ni Rycko na pumunta rito, si Mayor naman ay pumilit na sumama sa amin dahil ayaw niyang pumunta kami rito na hindi siya kasama.

"Alliah, do you like coffee latte?" Pagtatanong ni Rycko, tumango naman ako bilang sagot.

Naalala ko tuloy 'yung biglaang pagpunta namin ni Aaron sa coffee shop pero ang nangyari ay nainis lang ako sa pangyayaring iyon dahil nilagyan niya ng toyo ang kape ko kaya't sa kagustuhan kong makabawi agad ay nagkunwari akong nasagi ang kape kaya't nabasa ang cellphone ni Aaron at nasira.

"Ako, gusto ko rin." Sagot ni Mayor sa naging tanong ng kuya niya.

Tinarayan lang siya ng kapatid niya bago nagpunta sa counter para umorder ng kape. Makalipas nga lang ang ilang minuto ay natapos na siyang umorder.

VERACITY IN LIFE (The Untold Truth Series #1)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें