CHAPTER 52: PICK HER UP

88 53 3
                                    

"Tara na." Mabilis niya akong binuhat kaya't napahawak ako sa leeg niya.

"Ibaba mo nga ako!" Inis na saad ko sa kanya at pilit na bumababa pero ayaw niya akong bitawan.

"Hindi ka ba marunong magpasalamat?" Padabog niya akong binaba. "Labas kayo!" Sigaw niya sa mga babaeng narito.

Hindi ko namamalayan na narito na pala kami sa cr.

"Magpalit ka na! Suotin mo ito ah." Inabot niya sa akin ang isang paper bag bago pabagsak na isinarado ang pinto.

Ano naman ito?

Pagpasok ko sa cubicle ay binuksan ko ang ibinigay niya at agad akong nagulat dahil nakita ko doon ang dinala ko kaninang pocket na may lamang napkin.

Paano ito napapunta sa kanya?

Siguradong ito ang dala ko kanina dahil inilagay ko ito sa maliit na pocket.

Bakit nasa kanya ito?

Naalala ko yung nangyari kanina sa may labas ng school.

---
"Bukas ang bag mo."
---

Nahulog siguro ito noong naghahalwat ako ng mga gamit ko kanina sa bag.

Hyst! Nakakainis na nakakahiya.

"Matagal ka pa ba d'yan?" Pagtatanong niya mula sa labas.

"Oo!" Sigaw ko.

"Sige, tagalan mo pa para wala ng makapag cr d'yan."

Ay oo nga pala. Nasa cr nga pala ako ng school at wala akong karapatan na gumamit nang matagal dito.

"Patapos na pala ako. Umalis ka na d'yan at hayaan muna silang mag cr!" Sigaw ko at maya-maya lang ay may narinig na akong mga babaeng nag-uusap.

"Grabe na talaga. 'Yung AlRon loveteam na ginawa ko noon parang nagkakatotoo na." Kinikilig na saad ng babae.

"Hindi parang, kasi nagkakatotoo na talaga best."

"Oo nga. Kita mo 'yung ginawa kanina ni Aaron kay Alliah, binuhat niya best."

"Oo nga e. Pero bakit kaya binuhat si Alliah? May pilay ba siya?"

"Huwag mo na nga iyong problemahin. Ang importante, buo na ang AlRon loveteam na ginawa ko." Kinikilig na saad niya at maya maya lang ay narinig ko na silang lumabas ng cr.

Jusko! Mas mahalaga pa ba iyon?

May pa loveteam-loveteam pa silang nalalaman ah!

Nagmadali na akong magbihis at nagpalit ng bigay ni Aaron na white puff dress.

Bumalik na ako sa classroom at mabuti na lamang ay naabutan ko pa doon si Skyler pero siya na lang ang nasa loob.

"Nasaan sina Jamomo? Umalis na ba? Pasensya na ah, antagal ko kasi." Saad ko sa kanya pero nakatingin lang siya sa akin.

Sa nakikita kong reaksyon sa kanya ay gulat na gulat siyang makita ako. Para siyang nakakita ng isang napakagandang diwata na ngayon niya lang nakaharap.

Masyado bang maganda ang outfit ko ngayon? O talaga bang bagay lang sa akin? Sabagay lahat naman bagay sa akin e. Ako kaya ang Queen of the world.

"Saan may kasal?" Natatawang tanong niya pero hindi yata ako natuwa dahil doon.

"A-anong saan may kasal? Huh! Nilalait mo ba ang suot ko?!"

VERACITY IN LIFE (The Untold Truth Series #1)Where stories live. Discover now