CHAPTER 55: KISSED IN MINE

92 52 1
                                    

IYA POV'S

Nakakapagtaka dahil kanina pa akong tinititigan ni Aaron mula sa school hanggang dito sa kanilang bahay.

Gustuhin ko man na iwasan siya ay hindi ko magawa dahil gusto kong makita ang bawat reaksyon niya.

"Umm, h-hello. Nandito ako" napatingin ako kay nanay Francisca nang magsalita ito.

May bitbit itong juice at dahan-dahang inilapag sa mesa.

"Hehe s-salamat po" nahihiya kong saad.

"Bakit nga pala kayo narito? Wala ba kayong klase anak?"

"A e, m-meron po... Kaso po e nabuhu---" napatigil ako sa pagsasalita.

"Kinaladkad niya ako rito!" Saad ni Aaron.

"Ha?"

"Anong kinaladkad ka dyan? Sumakay ka sa kotse ko noh!"

"Hoy! Pinilit mo ako kaya ako sumakay"

"Niyaya lang kita na sumakay"

"E hinawakan mo ang kamay ko kaya sumakay ako! Pinilit mo parin ako!" Pinaglalaban niya talaga.

"Nag holding hands kayo?" Nagulat ako sa sinabi ni nanay Francisca at sabay kaming napatingin sa kanya.

Dahan-dahan akong tumingin kay Aaron at nang magtama ang paningin namin dalawa ay sabay kaming umiwas.

Bakit ba nangyayari sa akin ito? Huhu!

Alam kong malas ako ngayong araw na ito pero bakit naman ganito ako tratuhin ni Aaron?

Masakit na nga yung nararamdaman ko tapos ginaganito niya pa ako!!!

"Aksidente ko pong nahawakan"

Hyst, bakit ba ako nagpapaliwanag?

"Ahh ganun ba" nagpatango-tango siya.

"Bat ganyan ang damit mo? Anong nangyari dyan?" Gulat na tanong niya, ngayon niya lang siguro napansin na ganito ang damit ko.

"Ok lang po ako nay"

"Hindi ka ok!" Saad ni Aaron.

"Tsk. Ok lang ako. Konting dumi lang toh"

"Madami"

"Hoy Radish! Ano bang problema mo? Kanina ka pa ah!"

"Nga-ngayon nga lang e"

"Hyst!... Nakakainis naman!" saad ko at tumayo.

Pumunta na lang ako sa kusina kung nasaan si nanay Francisca.

"May ginawa ka ba sa kanya nak? Ngayon ko lang ulit kasi nakita na ganyan si Aaron"

"Po?"

"Mabait siya at sobrang maalalahanin... pero sa tuwing may nangyayari sa kanya na masama ay mabilis siyang naiinis" malungkot na saad nito.

Napatitig ako sa kanya.

Wala naman akong ginawang masama sa anak niya diba?

Kung meron man... Ano naman iyon?

Nasaktan ko ba siya dahil pinilit ko siyang sumama sa akin ng ganitong oras?

Ayaw na ba niyang kasama ako kaya naiinis siya?

Napatingin ako kay Aaron na naglalakad papunta sa direksyon ko.

Gusto kong mainis dahil sa reaksyon ng mukha na pinapakita niya sa akin pero hindi ko magawa dahil hindi ko kayang gawin iyon ngayon lalo pa't naiinis siya sa akin sa hindi ko malamang dahilan.

VERACITY IN LIFE (The Untold Truth Series #1)Where stories live. Discover now