CHAPTER 64: SELF-CONCEITED

81 52 3
                                    

AARON POV'S

Simula ng magpunta kami sa Cebu ay halos palagi na kaming magkasama ni Iya. Nakakatuwa dahil walang nakakapansin nun, ilang araw na kasing hindi napasok si Kyler at si Aleck naman ay hindi madalas napunta dito dahil nagpapractice sila para sa gaganaping basketball game.

Muli kong naalala yung sinabi ni Cliere sa akin noong nakaraan.

---
"sinabi sa akin kanina ni kuya na may gusto raw siya kay Alliah at gagamitin niya raw si Stephanie para magselos si Alliah"
---

Totoo nga kaya yung sinabi niya?

Posible ba yung mangyari?

Napatigil ako sa pag-iisip ng bigla akong sikuhin ni Mycko.

"Bakit nandya-dyan ka pa? Parating na si ma'am oh" tumingin siya sa kapapasok lang na si ma'am Cecille.

Tumango ako sa kanya at sumunod na papasok ng room.

"Good morning!" Masiglang bati nito.

"Good morning ma'am" bati namin lahat sa kanya.

"Update lang sa ating gagawing presentation. Dapat ito ay gaganapin ngayon pero dahil on some issues ay it will be presented on next month. So you have many weeks to prepare for it. Ok lang ba sa inyo? Or it is clear?"

May iba na ayaw pumayag dahil kailangan pa nilang magpeprepare pero ako naman ay payag kahit kailan, mas gusto ko pa ngang araw-araw para mas mapalapit pa ako sa kanya.

"Parang katagal naman ah. Baka kami e graduate na" palabirong saad ni Jamaica.

"Hindi yan, mayroon kasing malaking pagbabago for this activity"

"Ano naman yun ma'am?" curious na tanong ni Chester.

"Ang sinabi ko kanina ay joke lang" saad ni ma'am.

Sa halip na matuwa ay nagtaka pa kami sa sinabi niya.

"Diba ang sabi ko sa inyo kanina ay gagawin itong group activity. But our schools college department and our Dean Directress was decided na magkakaroon tayo ng Coronation Night for the candidate for Mr. and Ms. BMU at isa sa mga attire doon ay ang ating program kaya ipopotray natin doon ang History na sinabi noon ni Ms. Alliah. Are we clear?"

Lumawak ang ngiti sa aming lahat.

So gagawin na itong Pageant?
Magandang idea nga iyan?

"Bakit hindi ko ito alam!?" Galit na tanong ni Cliere.

Hindi siguro siya nainform ng mga magulang niya about sa gagawing na Activity ito.

"Sorry for that Cliere but i have no idea about that. Mas mabuti if you ask your parents dahil baka may reason sila" saad ni ma'am sa kanya.

"Now that we have back to our topic, each of the six departments in this University will have an two representatives: one male representative for Mr. BMU and one female representative for Ms. BMU, is that clear?" paliwanag ni ma'am.

Kung kukuhanin nilang representative si Iya ay mag prepresenta na ako para sa aming department HAHAHA.

"Since this idea will came from Ms. Alliah Joyce Lavaro, she will be one of the representative of our department." mas lalong lumawak ang ngiti ko sa sinabi ni ma'am.

"P-po? Ako po?" Tila pinoproseso pa niya ang narinig niya.

"Yes. That's the request of our Dean"

"Ano?! Hindi pwede yan!" Pag angal ni Cliere at napatayo pa ito sa kaniyang upuan.

"Don't worry Cliere, you will be one of the judges so no need to worry about it and it just a competition, right?"

"Yes!" Kami na ang sumagot.

"But ma'am, we need to choose the right person to be our representative. Dito nakasalalay ang ating Education Department! Paano na lang kapag natalo tayo?!"

Grabe naman siya!

Sumusobra na yata siya!

Masyado niyang minamaliit ang love ko.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya't tumayo na ako.

"Bakit pagkatalo agad ang nasa isip mo ah?! Hindi mo man lang ba naisip na its a great opportunity to her to show what she is... Alam mo, porke ayaw mong magpatalo ay gusto mo nang ikaw ang sasali! Syempre papabor sayo ang lahat dahil iyon ang gusto mo pero hindi naman talaga ikaw yun e... Ang totoong Cliere yung walang modo, walang disiplina, hahayaang masaktan ang damdamin ng iba para lang sumaya! Ikaw yun e... But this pageant ay hindi ginawa para magpakitang gilas, ginawa iyon para ipakita kung sino ka. Para ipakita kung ano ang totoo mong katauhan" inis na saad ko sa kanya, nagpalakpakan naman ang mga kaklase ko.

Huminga muna ako ng malalim bago tumingin kay Iya at ngumiti.

"The best talaga ang nag-iisang the cutiest man in the world!" Saad ni Akesha, palagi niya siguro naririnig sa akin ang famous line na iyon.

"Hindi lang dabest, wise pa"

"Quite students!" Saway ni ma'am.

Nang tumahimik na kaming lahat ay lumapit ito sa akin at kay Iya. Inutusan niya kaming pumwesto sa unahan.

"Perfect! They will be our representative!" Masayang saad ni ma'am.

"Yown! Congrats!"

"Yieeeee!"

"Perfect couple talaga!"

"Pwede nang mamaysan"

"Bulungan na agad!" sigaw ni Sophie.

"Hoy hoy, hindi porke student-centered ay kung ano ano na ang sasabihin niyo. May teacher parin oh!" Tinuro niya ang sarili niya.

"Mamaysan na nga ba?" Palabirong tanong sa akin ni ma'am.

"Kung gusto na po ni Iya" hinampas ako ni Iya dahil sa sinabi ko.

"Ako pa talaga ah?" Tumango agad ako sa tanong niya.

"Yieeeeee"

"Putek! Lakas ng chemistry niyo! Natalo niyo pa ang putok ko!" Napatawa naman kami sa sigaw ni Beejay.

***

ICONIC LINES

AARON: But this pageant ay hindi ginawa para magpakitang gilas, ginawa iyon para ipakita kung sino ka. Para ipakita kung ano ang totoo mong katauhan

BEEJAY: Putek! Lakas ng chemistry niyo! Natalo niyo pa ang putok ko!


VERACITY IN LIFE (The Untold Truth Series #1)Onde histórias criam vida. Descubra agora