CHAPTER 57: AARONA

94 54 3
                                    

Napatingin ako sa salamin at nakita kong bahagya akong namula.

"Hindi... Hindi pwede ito." Pagtutol ko sa sarili kong naiisip at sinampal nang mahina ang pisngi ko.

Wala naman akong nararamdaman sa kanya, di'ba?

Nagulat lang ako sa ginawa niya kaya namumula ako ngayon?

'Yun lang 'yun!

"Tama! Wala, wala... Wala talaga." Pagkumbinsi ko sa sarili ko at tumango-tango pa.

Inayos ko na lang ang mga gamit ko at pagkatapos ay lumabas na ako. Papunta na sana ako sa kotse nang marinig ko siyang nagsasalita sa loob nito.

May kausap ba siya?

Sino naman kaya iyon?

Dahan-dahan akong lumapit sa kotse at pinakinggan ang sinasabi niya. Naupo ako upang hindi niya mapansin na nandito na ako.

"Talagang mahal na mahal kita pero paano ko pipigilan ang sarili ko na mahalin kita gayóng kapag nakikita kita ay gusto ko na agad kitang yakapin at halikan... Hayyy, yaan muna nga. Susubukan ko na lang na pigilan ang sarili ko pero hindi ang nararamdaman ko para sa'yo. Tama! Magiging akin ka... Magiging akin ka Alliah Joyce Lavaro!... Tsk, ang corny ko naman. Siguradong kapag narinig ni Iya ang mga pinagsasabi ko ay maiinis siya sa akin pero yaena na nga, i still love her even her heart was not mine. Okay lang 'yan." Huminga siya nang malalim at muling nagsalita. "Napakatagal naman n'on, masyado naman yata siyang kinilig sa kiss ko, kahit ako nga ay kinikilig e. Hyst! Okay lang siguro na kiligin di'ba? Kahit lalaki ako, may nararamdaman din naman akong kilig noh! Punyeta, siguro kung may babasagin dito ay naihagis ko na sa sobrang kilig HAHAHA. Alliah Joyce Lavaro! Ano bang ginagawa mo sa akin? 'Yung angas at lakas ko ay nawala na lang bigla dahil sa'yo. Ibalik mo 'yun ah." Tumingin ako sa loob ng kotse at nakita kong kausap niya ang picture ko na nasa cellphone niya.

Actually, picture namin iyong dalawa ng nasa hallway kami.

"Ayy kalabaw." Nagulat siya nang mapansin ako.

Lumabas siya ng kotse at lumapit sa akin.

"K-kanina ka pa d'yan evol? I-inaayos ko lang ang kotse mo." Saad nito.

Sumakay na lang ako sa kotse at hindi siya pinansin.

"Okay lang ba evol kung mag-picture muna tayo?" Saad nito pagkasakay ng kotse.

"Ayoko." Sagot ko.

"Picture lang naman e, sayang naman ang ganda ko."

"Mag-picture ka na lang mag-isa. Bakit kailangang kasama pa ako?"

"Para sa memories natin... Para kapag kasal na tayo, pwede nating balik-balikan ang araw na ito kung saan ko sinabi ang nararamdaman ko sa'yo."

"Hyst! Ewan ko sa'yo."

"Please evol, pumayag ka na. Picture lang naman e. Ako nga ay pumayag na magsuot at mag-makeup ng ganito e."

"Okay, sige na... Parang nangongonsensya ka pa kung bakit nangyari sa'yo 'yan, e ikaw itong may kasalanan."

"Tama ka. Ako nga ang may kasalanan pero kung hindi ito nangyari baka nagtatago pa rin ako ng feelings sa'yo." Napaisip ako sa sinabi niya.

VERACITY IN LIFE (The Untold Truth Series #1)Kde žijí příběhy. Začni objevovat