CHAPTER 76: HEALING

77 50 4
                                    

AARON POV'S

Ang sarap sa feeling na makitang unti unting sumasaya ang taong mahal mo sa kabila ng sakit at pighating nangyari sa kanya.

Ang saya na makitang nakakangiti na siya ulit at nagagawa ang gusto niyang gawin. Ilang linggo din kasi siyang sobrang nadepressed at sinisisi niya ang sarili niya dahil hindi niya nagawang iligtas ang kaibigan niya sa mismong lugar na pinakamahalaga sa kanya. Sinisisi niya rin ang mga taong naroon sa mall dahil hindi nagawang bantayan at pangalagaan ang lugar na iyon.

Napahinga ako ng malalim sa mga iniisip ko.

Bakit kaya nangyari ito?

Bakit kailangang mangyari ito???

Hayyy, sabi nila everything happens for a reason pero sabi ko naman wala ka ng magagawa if everything happens.

"Comfortable ka ba?" Tanong ko kay Iya habang pinagmamasdan ang suot niya.

Narito kami ngayon sa school upang manood ng basketball game ng university namin at ng AST University. Si Iya ang napili ni Aleck na maging muse ng team nila kaya nakasuot siya ngayon ng BMU shirt at mini skirt.

Gusto sana naming ilipat sa ibang date ang larong ito dahil sa nangyari pero kailangan na kasing magkaroon ng basketball news article na susulatin rin ni Iya. Isa kasi si Iya sa mga news writer ng school. Sayang rin ang practice ng mga players kung mapoposponed ang laro.

"Sa tingin mo bagay ba ang suot ko?"

"Oo naman mahal ko. Ang cute nga e"

"Tss, bagay nga sakin hindi naman ako komportable"

"Palitan na lang natin. Kung gusto mo mag dress ka na lang. Magsuot ka ng color red na dress para kakulay mo sila" suhestiyon ko sa kanya, red kasi ang color ng BMU shirt na gagamitin ng players.

"Hindi na. Inihanda ito ni Aleck e. Gagawin ko ang gusto niya"

"Sige, but i remind to you that just be yourself mahal ko" saad ko.

"A-ano yun? Mahal ko?" Nagulat kami ng biglang sumulpot si Akesha at Sophie.

"Sinong tinatawag mo ng gay'on?" Tiningnan nila si Iya na parang nagtatanong.

Patay!

Lagot ako ngayon!

"Kayo na gah?"

"Ha?" Parehas kaming nagulat sa tanong ni Sophie.

"Naku, mali kayo ng iniisip" saad ni Iya pero parang walang epekto sa mga kaibigan niya. "Ano ba kayo? Mali nga ang iniisip niyo e"

"Paanong mali e may call sign kayo na ganun" Saad ni Akesha. Humarap siya sa akin at tinitigan ako. "Dati 'love' ang callsign niyo, ngayon naman 'mahal ko'? Paano mo ipapaliwanag yan ngayon?"

"Akesha naman, paano naging call sign kung siya lang ang tumatawag ng ganun?" Saad ni Iya.

"Kow, hindi mo siya tinawag na love?" Napaisip ako sa tanong niya.

Tinawag na ba niya akong love?... Parang hindi pa naman... Bukod sa palaging ako ang tumatawag sa kanya ng ganun ay may isang beses na nainis siya dahil tinawag ko siya sa pangalan niya.

---
"Alliah, kumain ka ba kaninang umaga?" Pagtatanong ko sa kanya habang sinusundan siya sa paglalakad.

"Alliah, bakit hindi mo ako pinapansin? galit ka ba sa akin?" Seryosong saad ko.

VERACITY IN LIFE (The Untold Truth Series #1)Where stories live. Discover now