CHAPTER 66: BLOW WITH THE FIST

82 51 6
                                    

SKYLER POV'S

Pagpasok ko pa lang kaninang umaga ay nakapa ingay na at hanggang ngayon ay hindi parin nawawala ang issue tungkol sa gaganaping event. Halos lahat na yata ng nasa classroom na ito ay iyon ang laman ng utak.

"Excited na ako!"

"Ako rin! For sure, mananalo ang AlRon loveteam natin!"

"Sure yan!"

"Mananalo ang EDUC department!!"

Nakakainis!

Mukhang nalalamangan na ako ni Aaron ngayon! Bukod sa magka partner sila as our representative ay halos palagi na silang makasama.

Alas 2 na ng hapon pero hindi ko man lang makausap si Iya at tanging ngiti lang ang ibinibigay ko sa kanya dahil sa Aaron na yun!

Una, magkasabay silang kumain, pangalawa, naging magka group pa sila sa ibang subject, at pangatlo sa tabi ni Iya umuupo si Aaron tuwing walang teacher! Hysst!

Ok lang ba kay Iya na ganun ang ginagawa niya?

Ok lang ba sa kanya na palaging nakabuntot sa kanya ang lalaking iyon?!

Bakit???

"May i go out, sir?" paalam ni Aaron kay sir Jello na masayang nagtuturo.

"Sige. Alis na agad" sagot ni ma'am na naabala ang pagkukwento niya.

Sinundan ko ng tingin si Aaron hanggang sa makalabas ito ng room.

Mas lumamang ba siya ng ilang paligo sa akin?

Hindi naman diba?

Tsk!

"Sir, sorry to disturb you but can i go out?" saad ko kay ma'am.

Tinanguan niya lang ako kaya lumabas na ako.

Hindi ko naman talaga balak na mag cr, ang gusto kong gawin ngayon ay kausapin si Aaron tungkol sa kung akong meron sila ng Iya ko!

Pagpasok ko ng cr ay saktong palabas na si Aaron kaya humarang ako sa daraanan niya.

"Huwag ka naman feeling bata. Dito mo pa talaga gustong makipaglaro e" pabirong saad niya.

"Hoy Aaron!" Hinawakan ko siya sa kwelyo. "Layuan mo si Iya!"

"Kasama ko ba siya ngayon?"

"Hindi ako nakikipag biruan"

"Pwes, ako rin"

Bigla ko siyang sinuntok dahil sa inis ko.

"Ano bang meron sa inyong dalawa?!" Galit na tanong ko.

"Wala kang alam sa nangyayari"

"So, may ibang nangyari?!"

"Kitid ng utak mo, hindi ganoong tao si Iya!"

"Mas lalong makitid ang utak mo! Alam mo ng ayaw sayo ng tao, lapit ka parin ng lapit"

"Ganun ka rin naman noon diba?!"

"Hayop ka! Huwag mong idamay ang nakaraan"

Hinawakan ko siya ng mahigpit sa kwelyo.

"Matagal ko ng gusto si Iya, kaya layuan mo siya!"

"Huwag mo akong utusan na parang pagmamay-ari mo na siya. At saka, gusto ko lang sabihin sayo na naka amin na ako sa kanya. Yung nararamdaman ko sa kanya mas lumalala pa"

VERACITY IN LIFE (The Untold Truth Series #1)Where stories live. Discover now