CHAPTER 17: MYSTERY CALLER

119 59 25
                                    

Sandali pa akong nag isip-isip tungkol sa kakulitan ni Aaron ng muli akong makareceived ng tawag sa isang unknown number. Hindi ko muna ito sinagot dahil baka si Aaron na naman 'yun at pinalitan niya lang ang number na ginamit niya kanina. Nang maka ilang ring ito at hindi ko sinasagot ay pinatay na niya ang tawag.

Hindi pa ba siya nakontento na nakita na niya ako at narinig ang boses ko? Tsk!

Tinago ko ng muli ang cellphone ko at natulog na pero ilang minuto pa lang akong nakakatulog ng muli kong makita na tumatawag ulit 'yung number kanina.

I decided to answer it dahil naiinis na rin ako.

"Hoy Radish, matutulog na ako! Huwag mo na akong istorbohin! Masasapok sadya kita bukas kapag---" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng may biglang magsalita.

"Sorry." Saad nung lalaking tumatawag.

Nagulat naman ako dahil sa pag-aakalang si Aaron na naman ang tumatawag.

So may iba na naman akong caller?

Sino na naman kaya ito?

"Who's this?" Pagtatanong ko.

"I'm Var. Sorry kung naistorbo kita Alliah."

Nakilala niya ba talaga ako?

Paano nangyari iyon?

Alam ko na ang aking pangalan ay masyadong pamilyar sa maraming tao dahil sa aking trabaho o sa mga aktibidad na aking sinalihan.

Ngunit paano niya nalaman ang aking number ng cellphone ko?

Hindi ko maipaliwanag kung paano niya ito nakuha.

Isa ba siyang scammer?

Ang mga tanong na ito ay patuloy na umaaligid sa aking isipan. Hindi ko matanggap na may taong makakakuha ng aking impormasyon nang walang pahintulot. Hindi lamang ito nakakabahala, ngunit ito rin ay isang malaking paglabag sa aking privacy.

Napapaisip ako kung paano niya nakuha ang aking number.

Baka may nagbigay sa kanya?

O baka nakuha niya ito sa isang database na hindi ko alam?

Ang mga tanong na ito ay nagdudulot ng kaba at pangamba sa aking isipan.

Kailangan kong malaman kung ano ang nangyari at kung paano ito nangyari. Hindi lamang para sa aking seguridad, ngunit upang maiwasan na rin ang mga ganitong sitwasyon sa hinaharap.

Sinusubukan kong kilalanin ang boses niya ngunit hindi ko ito makilala.

"How did you know my name?! How did you get my number?!" Galit na pagtatanong ko.

"I don't know if you believe sa sasabihin ko." Kinabahan naman ako sa sasabihin niya.

Baka nga scammer ito ah!

"Sabihin mo na lang! Who cares kung hindi ako maniwala! Ni ako ay walang pakialam sa'yo. Ang gusto ko lang ay malaman kung paano mo nakuha ang number ko!"

Sandali naman itong napatahimik sa kabilang linya bago huminga nang malalim.

"I was approached by someone who handed me a notebook. I didn't recognize them, and I was unsure why they gave it to me... Despite my confusion, I decided to accept the notebook, thinking it might contain valuable information I needed to know... Upon opening the notebook, I saw the name 'ALLIAH JOYCE LAVARO.' Although unfamiliar, the name felt oddly familiar. Below the name was a cellphone number, the only content in the notebook... This left me pondering my next steps. Should I call the number? Or should I try to find Alliah Joyce Lavaro? The presence of this notebook has sparked numerous questions that require answers." He said.

VERACITY IN LIFE (The Untold Truth Series #1)Where stories live. Discover now