CHAPTER 36: IYA KO

103 54 4
                                    

AN: WiRe, If my character doesn't know his genuine feelings for other people, I sincerely apologize right away... I am confidently saying that you will enjoy it kapag na realize na niya ang napakaraming bagay.

Love lots, MysMiracle <3

IYA POV'S

Kasalukuyan akong nasa loob ng classroom namin ngayon at si Jamaica talaga ang unang bumungad sa akin.

"Nakita ko 'yun ah!" Makabuluhang saad niya sa akin at saka ngumiti nang nakakaloko.

Ano bang sinasabi niya?

"Alin?" Curious na tanong ko.

"Kunwari hindi alam ah?" Tinaasan niya ako ng kilay.

"Alin nga kasi?" Naguguluhang tanong ko.

"Hayy naku Iya, ang hirap talaga kapag nagkukunwari ang isang tao."  Saad niya na may ibang kahulugan.

"Ano ba kasing sinasabi mo? Hindi kita maintindihan!" Medyo naiinis na ako.

Ayaw pa niyang i-stick to the point e.

"You hug Aaron! I see you on my two beautiful and lovely eyes! So tell me, what is your relationship with him!" Nabigla ako sa sinabi niya kaya agad akong lumapit.

"Hinaan mo nga ang boses mo." Pakiusap ko sa kanya.

"Ok, ok. So, ano ngang meron sa inyo?" Hindi agad ako makasagot sa tanong niya.

Paano ko sasagutin ang tanong niya kung sarili ko mismo ay hindi ko alam ang sagot?

Magkaibigan na ba kami?

Magkakilala?

Or magkaklase lang?

Tsaka bakit ko ba siya niyakap kanina?

Totoo namang namiss ko siya pero hindi ko dapat ginawa 'yun! Baka isipin pa niyang easy to get lang ako. Baka isang araw ay balak na niya akong ligawan tapos sa isang yakap ko ay akalain niyang sinasagot ko na siya.

Ay naku!

Ano ba itong naiisip ko?

At may isa pa, pinatay ko 'yung music kasi gusto kong marinig muli ang boses niya!

Sobrang naguguluhan na ako sa mga ikinikilos ko.

Kailangan ko na bang magpunta sa ospital ngayon?

Ipapasuri ko muna ang puso't isip ko. Jusko!

"Hayy naku, hahanap na nga lang ako ng matinong kausap." Narinig kong saad ni Jamaica bago pumunta sa upuan niya at kunwari ay may kinakausap.

Hindi ko napansin na kanina pa ako nakatingin sa labas na kung saan ay nandoon rin si Aaron.

Hayyy! Bakit ba ako nagkakaganito?

Makalipas ang ilang minuto ay dumating na si ma'am Edith at sinimulan na niyang buksan ang kanyang laptop. Gusto ko sanang sa klase lamang ituon ang isip ko pero kanina pa kasi nagba-vibrate ang phone ko at nakita ko ang mga message ni Aaron.

Patago kong inopen ang phone ko at binasa ang message niya.

From: Radish

-Evol, malungkot ako ngayon.

VERACITY IN LIFE (The Untold Truth Series #1)Where stories live. Discover now