CHAPTER 35: PAGPAPANSIN

94 53 4
                                    

AARON POV'S

Kararating ko lang sa school at halos mapatigil ako sa paglalakad ng may nakabanggaan akong isang babae.

Nalaglag ang dala nitong libro dahil sa pagmamadali nito.

"Ayy, sorry po. H-hindi ko po alam na makakasalubong ko po kayo.
P-pasensya na po talaga" saad nung babaeng nakabangga ko at pinulot ang nalaglag na libro.

"Naku wala yun. Mag-iingat ka sa susunod ah" saad ko at inabot na sa kanya ang iba pang libro na nahulog sa kanya.

Nang magtama ang paningin namin dalawa ay halos magulat siya.

"Ala! Ikaw si Aaron diba? Oh! My! Im your fan!!!" Masayang sabi niya at kinuha ang kamay ko para makipag kamay sa kanya. "P-pasensya na po sa nagawa ko inyo. S-sorry po talaga" saad niya at panay ang yuko upang humingi ng paumanhin.

Natawa na lang ako ng bahagya sa ginawa niya.

"Can i ask bakit kita naging fan? Hindi naman ako artista. I mean... I not perfect, i only know that im just the cutiest man in the world" natawa siya sa sinabi ko.

May nakakatawa ba dun?

Talaga namang cute ako ah!

Banatan ko kaya ito!

"Well, the fact na sobrang gwapo mo, i like that you change. Hindi ka na katulad ng dati na nambubully to get your attention. Oh! My! Hindi parin ako makapaniwala na nag-uusap tayo ng ganito!" Nahihiyang saad niya.

"Mauna na ako sayo ah! Baka himatayin ka na dyan dahil nakausap mo ang the cutiest man in the world"

"Okeyyyy. See you around" kinikilig na saad nung babae at nagtatakbo na siya papunta sa labas.

Napailing iling na lang ako habang naglalakad dahil naisip ko na talagang ang gwapong katulad ko ay hinahangaan ng maraming babae dito sa school na ito, bukod kay IYA!

Speaking of Iya, nasaan na nga pala siya?

Wala man lang siyang update sa akin simula kahapon. Hindi man lang siya nag text o tumawag man lang para kamustahin ako! Hindi ba niya alam na hirap na hirap na ako dahil... Sobrang namimiss ko siya.

FLASHBACK

"Kumain ka kaya muna kuya" saad sa akin ni Yesha habang naglalagay ng pagkain sa plato.

"Mamaya na ako kakain, hihintayin ko si Iya" saad ko at saka tumagilid ng higa para talikuran ko siya, alam kong kukulitin na naman niya ako.

"Bakit naman? Sinabi ba niya na dadating siya? Nag text ba siya? Tumawag? Nag chat? Nag tweet? Nag post? Nag email?

"Nagpa billboard!" Pabalang na saad ko dulot ng inis.

"Wow, yaman naman talaga. Ano kayang nakasulat duon?" Napatingin ako kay Yesha dahil sa sinabi niya.

Talagang pinaniniwalaan niyang pinabillboard ako ni Iya? Tss.

"Siguro nakalagay duon yung picture mo kuya tas nakasulat duon na be with you forever. Ayy.. hindi" napailing pa siya at saka muling tumingala na iniimagine na nakabillboard nga ako.

Nag drawing muna ito sa hangin ng malaking rectangle na kahugis ng billboard bago muling nagsalita.

"Nakalagay siguro duon na "puntahan kita later, may inaasikaso lang ako" or pwede din namang "see you at 8:00 in the morning" ayy hindi, alas dyes na eh" saad nito at napatingin sa relo niya.

VERACITY IN LIFE (The Untold Truth Series #1)Onde histórias criam vida. Descubra agora