CHAPTER 53: PAIN

86 54 2
                                    

AN: I hope in this chapter, you will understand Aaron Pov's/ feelings. Thanks :⁠-⁠(

"Mamaya na lang ako magpapaliwanag sayo basta babawi ako sayo. Bye little cute and generous sister. I love you always"

"Tse! Treat mo ako mamaya ah"

"Oo. Bye" saad ko at pinatay na ang tawag. Andami na kasing mga girls sa labas ng cr kaya tinapos ko na ang tawag.

"Matagal ka pa ba dyan?" Pagtatanong ko mula sa labas.

"Oo!" Sigaw niya

"Sige, tagalan mo pa para wala ng makapag cr dyan"

"Patapos na pala ako. Umalis ka na dyan at hayaan muna silang mag cr!" Sigaw niya, dahan dahan naman akong humakbang palayo sa tapat ng pinto.

Paalis na sana ako ng marinig kong nag-uusap ang mga babaeng pumasok tungkol sa napakagandang bagay.

"Grabe na talaga. Yung AlRon loveteam na ginawa ko nuon parang nagkakatotoo" kinikilig na saad ng babae.

Grabe! AlRon loveteam daw?

Alliah at Aaron ba yun? Grabe naman! Napaka unprofessional nila mag-isip ah pero maganda naman. Totoong napakaganda!

"The best 2020 loveteam awards goes to 'ALRON' please give them around of applause" naiimagine ko.

Ganun siguro ang mangyayari everytime na papasok kami sa school na ito, kapag kakain ng magkasabay at kapag magkatabi sa upuan habang nakasuot siya ng white Stretch-Duchesse Satin Gown habang ako naman ay nakasuot ng skinny tuxedo in black at suit trousers.

"Alliah..." Saad ko habang nakatingin sa kanang kamay. "At ang the cutiest man in the world na si Aaron. Hahaha" saad ko habang nakatingin sa kaliwang kamay. "AlRon!"

Tuwang-tuwa na saad ko at pinagdikit ang mga palad ko na parang magka holding hands. Umiikot ikot pa ako at nagtatalon dahil sa tuwa.

"Ganito ba talaga ang feeling ng may ka-loveteam. Bwahahaha" tuwang tuwa ako habang naglalakad papalayo sa cr.

"AlRon loveteam, AlRon loveteam. Yey! The best!" Bulong ko.

Ang galing talaga ng naka isip nito!

Napakasmart, smartly, clever, wise, brainy, bright, cannie, clear-headed, gifted, ingenious, intelligent, knowledgeable, edgewise, at napaka talented nila.

Kulang ang isang term para idescribe ang napakagandang idea nila.

Bwahahaha...

Hindi na ako malas ngayon!

"Anong ginawa mo sa kanya?" Nag iigting ang pangang tanong ko kay Cliere.

Kanina ko pa sinusundan si Iya pagkalabas niya ng cr hanggang sa maabutan ko siyang narito si cafeteria.

Nung una ay hanga ako sa kanya dahil nagagawa niyang kalabanin si Cliere gamit ang mga salita pero kung ano mang nagawa ni Iya ay hindi pwedeng ganito ang abutin niya.

Kung ano mang pinag usapan nila ay wala na akong pake duon basta mali ang ginawa ni Cliere!

"Wala ka ng pakialam"

"Ano?"

"Dapat lang sa kanya yun! Kinuha niya ang lahat ng bagay na hindi naman sa kanya" galit na saad niya na para bang may malaking bagay na kinuha sa kanya.

VERACITY IN LIFE (The Untold Truth Series #1)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant