CHAPTER 67: BREAKING THE FRIENDZONE

82 53 0
                                    

IYA POV'S

Kakauwi ko lang ng bahay at ramdam ko parin ang pagod dahil sa nangyari kanina.

Nagpunta nga kaming bar para magpakasaya at mag aliw pero pagod ang nakuha ko dahil sa mga kaibigan ko.

Si Sophie kasi ay inom ng inom dahil hindi niya matanggap ang nangyari, ganun din si Akesha dahil hindi niya pa nakakatagpong muli ang lalaking hinahanap niya. Actually, almost 2 months na niyang hinahanap ang lalaking iyon at sa paghahanap niya ay madami na siyang nakilala.

Sinasabihan na namin siya dati na itigil na ang paghahanap at kumilala na lang siya ng ibang tao pero ayaw niya parin.

Ano ba para sa kanya ang lalaking iyon?

Bakit hindi niya magawang kumilala ng iba?

Naligo na lang ako at pagkatapos nuon ay inayos ko na ang mga gamit ko sa kwarto.

Mahihiga na sana ako ng muli ko na namang maalala ang mga nangyari kanina, ang sinabi ni Sophie na gusto daw ako ng kuya niya, ang pangungulit sa akin ni Aaron, at ang pag-amin sa akin ni Kyler.

FLASHBACK

"Cr muna ako ah" paalam ko sa mga kasama ko.

Kanina ko pa kasing gustong mag cr kaso hindi ko naman magawa dahil patuloy ang pagkukwento ni Akesha.

After kong mag cr ay  papunta na sana ako sa pwesto namin kanina ng biglang hablutin ni Kyler ang kamay ko.

"Bakit?"

"Mag-usap tayo"

"Ha?"

"Basta, sumunod ka sa akin"

Gaya ng sinabi niya ay sumunod ako sa kanya hanggang sa makarating kami dito sa rooftop.

Tumingin ito sa buong paligid na kung saan ay kitang-kita ang mga ilaw na nagsisimula nang mabuhay.

Makikita rin dito ang dagat na malapit sa Taal. Nakakatuwa ang paligid dito.

Napakaganda!

Maaliwalas tingnan!

"Alam mo bang ang saya dito habang may kasamang napakagandang binibini?"

"Tss, ngayon mo lang nalaman?"

"Hindi syempre pero iba parin kapag magkasama tayo sa ganitong lugar. Ang saya diba?"

"Oo naman"

"Hindi lang ito yung pakiramdam na gusto kong maramdaman natin pareho"

"Ha?… Gusto mo bang maging malungkot tayo?... Magalit sa isa't-isa? Sige, game!" Natatawang pagyaya ko sa kanya. Nung una ay hindi ko pa naiintindihan ang sinabi niya.

"Hindi ganun. Mas gusto ko kasing parehas tayo ng nararamdaman"

"K-kyler"

"Mas masaya yun diba?"

Naiilang akong tumingin sa kanya.

"Oo pero hindi tayo parehas ng---"

"Alam ko yun. Alam kong may mas nakakalamang sa akin pero gusto parin kita Iya. Kahit anong pilit kong iwasan ay hindi ko magawa, mas lalo ko pa ngang pinapaglaban e"

VERACITY IN LIFE (The Untold Truth Series #1)Where stories live. Discover now