CHAPTER 46: FAMOUS LINE

78 54 4
                                    

"Wear your seatbelt or ako pa ang magsusuot sayo"

Sinunod ko na lang ang sinabi niya at maya maya lang ay umalis na rin kami.

Hindi na namin halos naabutan ang mga kaibigan namin dahil nauna na silang nakaalis kanina.

Pagkarating sa mall ay agad ng bumaba ng kotse si Aaron, may kinuha pa siya sa back seat bago ako tuluyang pinagbuksan ng pinto.

Doon ko lang napansin ang kinuha niyang payong.

"Para saan naman yan?" Nagtatakang tanong ko.

"Hindi ka pwedeng mabasa diba? Mas ok na siguro ito" saad niya habang inaalalayan ako sa paglalakad.

Tumingin ako sa kanya at saka napangiti.

Napakagentleman naman!

"Stop staring at me love, i know that I'm the cutiest man in the world"

Napakayabang rin pala!

Yan na lang ba ang sasabihin niya palagi?

Yan na ba ang famous line niya? Tss!

"Antagal niyo naman!" Reklamo ni Akesha pagpasok namin sa mall.

Hindi ko siya sinagot at nagdiretso lang ako kay mommy na ngayon ay busy sa pakikipag-usap sa bisita.

Kinurot ko siya sa tagiliran upang sa ganun ay mapansin niya ako.

"Bakit ba?" Inis na tanong niya.

"Bakit mo sinabi kay Aaron na may period ako"

"Antagal mo kasing gumising. Dyan ka na nga"

"Mommy naman e. Bakit kailangan mo pang sabihin?"

Umalis na siya ng hindi ako sinasagot at muling bumalik sa kausap niya kanina.

Nakakainis naman siya!

Bakit kailangan pa niyang sabihin ang ganoong bagay? Hyst!

"Saan ka nagpunta?" Pagtatanong ni Aaron habang kumakain ng piraso ng melon. "May masakit ba sayo?" Pagtatanong niyang muli, umiling lang ako.

"The mass will start in a few minutes" magtatanong pa ulit sana siya ng magsalita ang announcer.

"Tara na dun" tinuro niya ang stage kung nasaan ang family ko.

Nagpunta na kami sa stage na tinuro niya. Nagtaka naman ako dahil sunod siya ng sunod sa akin.

"Family ka ba namin?"
Tiningnan niya lang ako saka nakipag usap kay Emman at kay ate.

"Kamusta na kayo?" Pagtatanong niya na para bang ang tagal nilang hindi nagkita.

"Ayos naman kuya Aaron. Ikaw? Kanina pa ba kayo rito?"

"Hindi naman, kararating lang namin dito kanina. Tagal kasi ng ate mo"

"Sinong ate yan ah?"
Napapahiya namang napatingin si Aaron.

"Si Alliah po hehe... Kamusta na po pala kayo?"

"Ok naman, buhay single parin. Wala e"

"Ah, bakit naman po?"

"Hindi ko alam. Focus rin kasi ako ngayon dito sa pagpapalago ng mall"

"Wow, napakasipag niyo po pala. Maganda pa kayo" compliment ni Aaron kay ate.

Napatingin naman ako sa kanya.

Masyado niya namang binabati si ate, baka lumaki pa ulo nyan. Tsk.

"Sigurado akong marami na kayong naging ex"

VERACITY IN LIFE (The Untold Truth Series #1)Where stories live. Discover now